Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bradley tinalo si Marquez via split decision

SA ikatlong pagkakataon ay itinaas ng reperi ang kamay ni Timothy Bradley sa pamamagitan ng kontrobersiyal na split decision.

Muli, naging kuwestiyunable ang inirehistrong panalo ni Bradley laban naman kay Marquez na nagyari kahapon sa Thomas and Mack Center.

Sa post fight inverview, naniniwala si Marquez na lamang siya ng puntos laban sa Kanong si Bradley.   Hangad niya ang isang rematch para patunayan na nanalo siya sa kontrobersiyal na boksingero.

Matatandaan na naging isang malaking kontrobersiya ang naging panalo ni Bradley kay Pinoy boxer Manny Pacquiao noong nakaraang taon.   Halos lahat ng boxing experts ay ibinigay kay Pacman ang panalo pero sa aktuwal na pagbasa ng verdict ng laban ay itinaas ang kamay ni Bradley via split decision.

Kontra  kay Provodnikov, ganoon din ang kinalabasan ng laban na nagwagi si Bradley sa pamamagitan ng split decision gayong inaakala ng mga nakasaksing miron na nanalo si Provodnikov sa dami ng malilinaw nitong suntok.

Hindi pa malinaw kung magkakaroon ng rematch ang dalawang boksingero.  Mananatiling nakaantabay ang lahat maging si Bob Arum ng Top Rank promotions sa kalalabasan ng laban ni Manny Pacquiao at Brandon Rios sa Nobyembre.

Kung mananalo si Pacquiao kay Rios, magkakaroon ng posibilidad na maganap ang hamon ni Pacman kay Bradley o kay Marquez sa isang rematch.

HATAW News Team

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …