Thursday , November 14 2024

Pasay cop, S/Supt. Rodolfo Llorca, sinibak na! (Palakpakan!)

00 Bulabugin JSY

MABUTI naman at nasibak na si Pasay City chief of police (COP), S/Supt. RODOLFO LLORCA.

Ang pagkakasibak (kasabay sina Mandaluyong police chief S/Supt. Armando Bolalin at Taguig COP S/Supt. Arthur Felix Asis) kay Llorca ay bunsod ng “underreported crime incidents sa kani-kanilang area of responsibility (AOR).”

(Kanino ngayon ihahatag ni Pasay bagman alias Ka Allan Aspeleta ang kanyang P.5-M kolekTONG? Sa Pasay PNP-SOU kaya?)

Ang pinakamalinaw na EXAMPLE ng kainutilan nga ni KERNEL LLORCA ay ang pinakahuling insidente ng bus (Bataan Transit) nang mapadaan sa ilalim ng overpass sa Roxas Blvd., na hinagisan ng bag sa bubong nito na lumikha ng tensiyon dahil kinatakutan na baka bomba ang laman.

Talagang MASYADO tayong nainutilan kay Pasay City chief of police (COP) S/Supt. Rodolfo Llorca.

Hindi natin alam kung NAGPAPANSIN lang ba siya para pagkaguluhan ng MEDIA o talagang hindi niya alam kung ano ang gagawin kapag may EOD (Explosive Ordinance Division) emergencies?!

‘Yan po ay naganap nakaraang Miyerkoles ng hapon.

Pero ang ipinagtataka natin dito, isang emergency case ito na inabot nang hanggang madaling araw ang pagreresolba at naging ugat ng katakot-takot na pagkakabuhol-buhol ng trapiko sa Roxas Blvd., sa Buendia hanggang Makati, sa Coastal Road hanggang sa Airport …hanggang SLEX…

Pero higit sa lahat, nabwisit ang buong Metro Manila kay LLORCA dahil sa kainutilan niyang resolbahin ang nasabing insidente sa mabilis na paraan.

Kung nakamamatay lang ang ‘mura’  t’yak pinaglalamayan na ngayon si Llorca (pasintabi) sa dami ng taong pinagmumura siya dahil sa tindi ng kabwisitan sa kanya.

Ikaw man ang lumagay KERNEL LLORCA sa sitwasyon ng mga na-stranded na pasahero, ‘yung mga na-late sa flight nila at sa appointments nila ‘e hindi ka lang MAGTUTUNGAYAW, baka NAMARIL ka pa!

Kaya dalawa lang ang IMPRESYON nila sa ginawa ninyo KERNEL LLORCA, INCOMPETENT KA o NAG-UULYANIN KA NA?

Anyway, isinusulat natin ang kolum na ito ay ini-announce na nga na SINIBAK na sina LLORCA at ang mga chief of police ng Mandaluyong at Taguig …

Well, well … good riddance KERNEL LLORCA!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *