Sunday , November 24 2024

Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive ) (Part 36)

ALAM NI PILO ANG TUNAY NA KRIMINAL, ‘DI SI MARIO KUNDI ANAK NI MAYOR AT NI JUDGE PERO GINAWA SIYANG TESTIGO

At nakilala ng magbabalut ang kakilala nitong mga tunay na kriminal, ang  anak ni Mayor Rendez na si Jimboy, at ang anak ng isang hukom sa Maynila, si Rigor.

Galing sa masalapi at maimpluwensiyang pamilya ang dalawang binata, sinarili na lamang ni Mang Pilo ang pagkaalam sa karumal-dumal na krimen. Parang pagsubok ng langit,  sa dinami-rami ng tao sa ibabaw ng lupa ay ito pa ang nadampot ni Sarge para maging isang huwad na testigo laban kay Mario.

Suki ni Mang Pilo sa balut si Major Delgado. Inaabangan nito sa pilahan ng traysikel ang pagdaan doon araw-araw ng opisyal ng pulis tuwing bago mag-ala-sais ng hapon. Madali raw itong makaubos ng paninda kapag si Major Delgado ang nagbuena mano. At nang hapon ngang ‘yun, apat na balut agad ang unang benta ni Mang Pilo.

“Tenkyu, Sir,” ngiti ng magbabalut sa pag-aabot ng sais pesos na sukli ng singkwenta pesos ni Major Delgado.

Inilagay ni Major Delgado ang supot na plastik na kinalalagyan ng mga balut sa kabilang upuan sa unahan ng owner-type jeep.Binuhay ang makina ng minamanehong sasakyan. Pag-arangkada nito, bahagya pang kumaway ang opisyal kay Mang Pilo.

“Sige, makaubos ka sana ng paninda mo.” (Subaybayan bukas)

Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *