Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

NBA pre-season sa Asya tuloy pa rin

KAHIT tapos na ang Global Game ng Houston Rockets at Indiana Pacers kagabi, tuloy pa rin ang aksyon ng pre-season ng NBA sa Asya.

Pagkatapos ng kanilang laro sa Maynila, tutungo ang dalawang koponan sa Taiwan para sa isa pang Global Game sa Linggo, Oktubre 13.

Isa sa mga pambato ng Rockets na si Jeremy Lin ay tubong-Taiwan.

Tutungo naman sa Tsina ang Los Angeles Lakers at Golden State Warriors para sa dalawang larong gagawin sa Beijing sa Oktubre 15 at sa Shanghai sa Oktubre 18.

Sasama si Kobe Bryant sa dalawang laro ng Lakers at Warriors ngunit hindi pa siya sigurado kung lalaro  siya dahil nagpapagaling pa siya ng  kanyang pilay.

Bumisita si Bryant sa Pilipinas noong Agosto para sa promo ng kanyang iniendorsong cellphone.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …