Sunday , December 22 2024

Finals ng San Mig, Petron kapanapanabik — Salud (Game One)

Game One

KUNG winalis ng mga nagkampeon ang Finals ng Philippine Cup at Commissioner’s Cup, malabong mangyari iyon sa PLDT Telpad PBA Governors Cup best-of-seven Finals sa pagitan ng Petron Blaze at SanMig Coffee.

Nagkaisa sina Petron coach Gelacio Abanila III at SanMig coach Tim Cone na halos parehas ang laban ng kanilang mga koponan at baka umabot pa sa sukdulang Game Seven ang serye na magsisimula mamayang 8 pm sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Maraming nagsasabing nakakaangat ang Petron dahil sa nagtala ito ng 11-game winning streak mula elims hanggang sa semis.

Pero dahil sa baguhan si Abanilla na humalili kay Olsen Racela bilang head coach ng Boosters bago nagsimula ang torneo, sinasabi nIyang siya ang underdog.

Si Cone ay nasa ika-27 finals appearance na niya at may 14 titulong napanalunan na.  Sakaling maigiya niya ag Mixers sa tagumpay ay lalampasan niya si Baby Dalupan bilang winningest coach ng PBA.

“Masuwerte lang ako dahil magagaling ang kasama ko sa bench at mahuhusay ang mga players ko. Pero balikatan ang laban dito ngayon,” ani Abanilla.

Sa kanilang pagkikita sa elims noong Agosto 31  ay tinalo ng Petron Blaze ang SanMig Coffee, 89-83.

Pero hindi rin iyon puwedeng gamitin bilang basehan sa serye.

Patas ang laban sa mga imports na sina Elijah Millsap ng Petron at Marqus Blakely ng SanMig Coffee.

Kaya naman sa locals maibubuhos ang bigat.

Sa mga locals, sinasabing si June Mar Fajardo ang siyang magiging susi. Kung siya ay mamamayagpag, malaki ang tsansa ng Petron.  Pero kung siya ay mababantayan, malaki naman ang tsansa ng SanMig Coffee.

Si Fajardo, ang top pick ng Draft, ay nag-average ng double-double sa elims at ngayon ay isang lehitimong contender para sa Rookie of the Year award.

Makakatuwang ni Fajardo sina Alex Cabagnot, Chris Lutz, Marcio Lassiter, Doug Kramer, Chico Lanete at Arwind Santos  na ngayon ay siyang frontrunner sa labanan para sa Most Valuable Player award.

Ang opensa ng SanMig Coffee ay manggagaling kina James Yap, Marc Pingris, Joe deVance, Peter June Simon, Mark Barroca  at  Alex Mallari.

(SABRINA PASCUA)

Finals ng San Mig, Petron kapanapanabik — Salud

MALAKI ang paniniwala ni PBA Commissioner Chito Salud na magiging mahigpit ang labanan ng Petron Blaze at San Mig Coffee sa finals ng Governors’ Cup.

Ito ang magiging unang paghaharap ng dalawang koponan sa finals mula pa noong 2000 nang ang Coffee Mixers ay kilala noon bilang Purefoods habang ang Blaze Boosters naman ay dating kilala bilang San Miguel Beermen.

“These two teams, without a doubt, were the most consistent teams this conference,” wika ni Salud. “It’s not surprising to see them play in the finals because the last time I saw them play in the finals was way back in 2000. And I remember that Ginebra and San Miguel were sister teams that faced in the finals in 1989. We had volatile, hostile games at that time and I don’t see any difference at this time.”

Ayon pa kay Salud, ngayong PBA season na ito ay anim na iba’t ibang koponan ang nakapasok sa finals ng lahat ng tatlong komperensiya ng liga.

Naglaban sa finals ng Philippine Cup ang Talk n’ Text at Rain or Shine at sumunod ang Barangay Ginebra at Alaska sa Commissioner’s Cup.

“In the last nine conferences of the PBA, we’ve seen nine different teams in the quarterfinals, nine different teams in the semifinals and seven different teams in the finals,” ani Salud.               (James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *