Friday , November 15 2024

Cone naghahabol sa kasaysayan

SA kanyang anim na komperensiya bilang head coach ng San Mig Coffee sa PBA, limang beses na nakapasok sa semifinals ang tropa ni head coach Earl Timothy “Tim” Cone.

Noong una siyang pumasok sa PBA bilang coach ng Alaska, nakita niya ang mahigpit na labanan ng San Miguel Beer at Purefoods sa finals ng PBA noong dekada ’80 at ’90 kung saan naghari sina Alvin Patrimonio at Jerry Codinera ng Purefoods at Hector Calma, Samboy Lim at Allan Caidic ng SMB.

“Those were real great teams back then. I remember, when San Miguel won the Grand Slam, I was in my first year as coach and I liked Mon Fernandez and Hector Calma. I didn’t like glamour teams then,” wika ni Cone. “I hope this (finals) will remind fans of our history and keep this in mind.”

Muling maglalaban ang dalawang koponan sa finals ng PBA Governors’ Cup simula ngayon at  kung magkakampeon ang Coffee Mixers ay tatabla si Cone kay Virgilio “Baby” Dalupan na parehong may 16 na titulo bilang coach.

“Growing up, I love Baby Dalupan and he is my idol. Having a chance to tie him is an amazing thought but as coaches, we try to get the players not to focus on personal goals. I think from a coaching standpoint, when you have a personal goal, you really try to set them aside because you have to set the standard for everything else,” ani Cone.

(James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *