LAS VEGAS – Desmayado si WBO welterweight champion Timothy Bradley sa biglaang pagsalang sa drug testing sa Nevada Athletic Commission.
Pero sa bandang huli ay pinuri niya ang nasabing komisyon para linisin ang sport sa ipinagbabawal na droga tulad ng performance-enhancing drugs.
Sa pagsalang ng negosasyon, nag-demand si Bradley na dapat sumalang sila ni Juan Manuel sa drug testing na ang preperado niyang ahensiya ay ang VADA (Voluntary Anti-doping Agency).
Pero pagkatapos pumirma ang magkabilang grupo ay nagbago ang isip ni Marquez na sa halip na VADA ang mag-conduct ng drug testing ay kinunsidera niya ang Nevada Atheltic Commission.
Sa paghaharap ng dalawang boksingero sa Linggo ay inaasahan ni Bob Arum na hahakot ng 350,000 hanggang 450,000 purchases ang nasabing bakbakan sa pay-per-view.