Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Amit, Kim sa East Team

MAY posibilidad na magharap si Filipina cue artist Rubilen “Bingkay” Amit at World Champion Ga Young Kim ng Korea sa Women’s World 10-Ball championship.

Subalit pagkatapos ng nasabing kompetisyon ay magiging magkakampi naman sila sa JBET.com Queens Cup na sasargohin sa Nobyembre 5 hanggang 7 na gaganapin sa Resorts World Manila.

Kampihan ang laban kung saan ay showdown ito ng mga matitikas na babaeng tumbukera na galing sa iba’t-ibang parte ng mundo.

Makakasama nina Kim at Amit si World 10-Ball silver medallist Tsai Pei Chen ng Taiwan habang sa makakalaban nilang West Team ay sina world champions Jasmin Ouschan ng Austria, Vivian Villareal ng US at captain Kelly Fisher ng England.

Si Kim naman ang team captain sa Asia Team.

May tig-isa pang miyembro sa East at West ang hindi pa naihahayag.

Ang OB Cues ang official cue ng JBET.com Queens Cup na co-sponsored ng Dragon Promotions.

Ang western counterparts ng mga East team ay galing sa Europe at US.

Ang unang makaka-10 panalo ang magkakampeon sa event na ipatutupad ang 10-Ball format

May larong singles, doubles, triples at 4-on-4 at kung sakaling umabot sa 9 to 9 hill-hill ay magkakaroon ng 4-on-4 play para malaman kung sino ang magkakampeon.

(ARABELA PRINCESS DAWA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …