Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagong papa ni Miriam Quiambao na author ng libro, chaka pero rich naman

WELL, sabi nga ang pag-ibig ay bulag. At para kay Miriam Quiambao ang bagong lalaking kanyang natagpuan sa katauhan ng author ng mga top-selling book na Heart of Healing, Ang Pera Na Hindi Bitin, etc. na si Ardy Roberto ang pakikisamahan na habambuhay.

Yes, chaka man ang itsura ni Ardy ay panalo naman si Mirian sa katalinohan nito at mayaman pa ang nasa- bing guy. Oo nga naman aanuhin mo ang gwapo, na tulad ng ex-husband ni Miriam na si Claudio Rondinelli na umbagero at least dito kay Ardy ay hindi sya sasaktan kundi bubusogin siya ng pagmamahal. Engaged na ang Miss Universe 1999 First Runner- up sa nasabing author at nakaplano na ang kasal ng dalawa. Wala na rin naman kasing career sa showbiz si Miriam kaya tama lang na lumagay na uli siya sa tahimik.

Good for her gyud!

MOR 101.9 FOR LIFE FREE CONCERT SA KYUSI, DINAGSA NG 20,000 KAPAMILYA

Sa bilang ng ating mga Kapamilya na dumagsa sa Quezon City Circle noong Sabado na umabot sa 20,000 ang vmga nanood para sa free concert ng MOR 101.9 For Life, na bahagi ng pagdiriwang ng 60 years in Television ng ABS-CBN na tinawag nilang “Grand Kapamilya Weekend.” Pinatunayan ng MOR na sila na nga ang No.1 FM Station sa Mega Manila. At agree kami rito dahil talaga namang parami nang parami ang listeners ng MOR kasi hindi lang magagaling ang mga pambato nilang deejay kundi magaganda at may aliw factor ang kanilang mga bagong programa. Yes, majority ng kanilang show ay pawang top-ratings kaya naman ‘di na sila makabog ng mga nagpe-pressume na sila ang number one. ‘Yung attendance na lang sa MOR concert na kinatampukan ng mga biggest Kapamilya artist ay very impressive na dahil sa tindi rin ng response ng crowd sa mga paborito nilang Deejay sa MOR nang lumabas para mag-host ng event at sa handog nilang production number na obvious na pinaghirapan ng lahat.

Yes, hindi lang kami ang bumilib sa performance nila kundi ang mga kapwa press na invited at s’yempre pa ang audience na binigyan talaga ng importansiya ng MOR 101.9 For Life sa pamumuno ng beloved angel naming si Sir Roxy Liquigan kasama ang lahat ng kanyang staff. Nagpakontes sila para sa jingle ng MOR at nagpa-raffle ng cash para sa 10 lucky winners ng 1,119.00 at isang grand prize na nanalo naman ng 10,19.00. Pabolosa ang nasabing event lalo na nang mag-perform ang mga tinitiliang heartthrob na sina Daniel Padilla at Enrique Gil. Kaya hwag nang magpahuli, para sa Mortugtugan, Morkulitan at Morefun makinig na always sa MOR 101.9 FM For Life at hayaan ninyong pasayahin ang araw n’yo ng mga deejay na sina ChaCha Babes, Maki Rena, Joco Loco, Eva Ronda, Baby Girl Basha, Popoy Bibo, Papi Charlz, Chikki Boom Boom, China Paps, Mr. Dee Jay, Chito Moreno, Ms. M, Jhaiho, Martin D, atbp. Kung type n’yo namang ma-experience na maging deejay for one day? Mag-audition na agad-agad sa MOR na located sa loob mismo ng ABS-CBN sa Mother Ignacia Quezon City.

VICTOR BASA, BAGONG ENDORSER NG COTTON CLUB

Pormal na pumirma ng dalawang taon kontrata ang hunk actor na si Victor Basa bilang bagong endorser ng Cotton Club Apparel noong Setyembre 12, 2013. Hindi nagkamali ng pagpili ang Cotton Club kay Victor dahil nga sa maganda niyang built, katawan at imahe. Very cooperative at likas ang kabaitan kay Victor na ikinatuwa ng mga taga-Cotton Club. Ilang linggo mula ngayon ay makikita si Victor Basa sa mga advertisment, posters at product label ng Wellcome Global Inc. Makikita sa larawan si Victor Basa with Mr. Richard de Castro ang President ng Wellcome Global kasama si Mr. Joel Capulong, Marketing Manager. Ang Cotton Club ay nakikipagsabayan na sa mga kilalang Clothing Company sa bansa.

Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …