Friday , November 22 2024

Bidding ng Iloilo Convention Center ‘pinakikialaman’ nina Sen. Drilon at Sec. Jimenez!? (Attn: Ombudsman & CoA)

00 Bulabugin JSY

HINDI natin alam kung gaano kalaki ang poder nina Senate President Franklin Dribol ‘este’ Drilon at Tourism Secretary Ramon Jimenez, Jr., at  maging bidding ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa Iloilo Convention Center ay kanilang pinakikialaman.

Sa masusing pag-iimbestiga ng mga ‘crusader’ natin d’yan sa DPWH natuklasan (na naman) nila ang isang hocus-focus na naglalayong imani-obra ang nasabing bidding.

Mula sa Maynila ay nakapagtatakang pinayagan ni Secretary Rogelio “Babes’ Singson na ilipat ang bidding sa Region VI.

Ang nasabing project – ang Iloilo Convention Center ay ang napipisil na lugar na pagdausan ng APEC Meeting sa 2015.

Dalawang beses nang ginawa ang bidding sa Central Office (DPWH) pero sa masusing pag-aaral ng Bids and Award Committee (BAC), nabatid na ang mga sumaling bidders ay mayroong kakulangan sa experience, kapos sa equipment at iba pang dokumento na kinakailangang isumite sa panahon ng pagbubukas ng bid.

Mayroon din bidders, na kahit nakabili na ng bidding documents ay umatras o nag-withdraw dahil ang budget sa nasabing project ay hindi sapat. ‘Yan ay sa pagtataya mismo ng sarili nilang engineers.

Mayroon din isang kompanya na nagsumite ng mababang bid ngunit na-disqualify dahil sa negative slippages sa ibang proyekto na ginagawa ng kanilang kompanya. Ang desisyon ng BAC ay naaayon sa Procurement Law.

Pero ang nakapagtataka, imbes sa Maynila muling ipasubasta ang naturang proyekto sa ikatlong pagkakataon, sa pamamagitan ng negotiated bid batay sa Procurement Law, biglang pinayagan ni Secretary Singson na sa Iloilo na lang gawin ang bidding.

Ito ay sa panukala umano ni DPWH Undersecretary ROMEO MOMO, na ayon sa kanya ay request ni Secretary Jimenez ng Department of Tourism.

Ang rekomendasyon ni Usec. Momo ay hindi man lamang dumaan sa pag-aaral ng Bids and Awards Committee sa pamumuno ni Usec Jaime Pacanan.

Ayon pa sa ating mga DPWH crusader, nagkita si Usec. Momo at DPWH Region VI Director Edilberto Tayao upang planuhin at pag-usapan mabuti ang planong paglilipat ng bidding sa Iloilo City.

Si Tayao ay ipinagyayabang at ipinagmamalaki kay Momo na mayroon siyang blessing ni Senator Drilon na doon na lang sa Iloilo gawin ang bidding para ang contractor na IBC International na taga-Iloilo rin umano ang manalo sa bidding.

Matatandaang ang IBC International ay minsan nang sumali sa bidding ngunit sa huling sandali ay nagsumite ng withdrawal letter dahil ‘di raw sapat ang budget ayon sa estimate ng kompanya niya.

Naniniwala ang mga crusader natin na mayroong lapses ang desisyon na ito ni Secretary Singson, dahil mayroong kwestiyon sa ‘instant’ Joint Venture (JV) ang IBC International at ang AM Oreta Corporation.

Alinsunod sa batas, dapat mamili ang DPWH ng sapat na bilang ng kontraktor na mayroong kapasidad na mag-implement ng proyekto, batay sa talaan ng mga rehistradong contractor sa DPWH.

Pero wala sa rehistradong Joint Venture sa DPWH at Construction Industry Authority of the Philippines, ang A.M. Oreta at IBC International

Bukod d’yan, natuklasan ng mga Bulabugin crusader na ang dalawang kompanya, sa ilalim ng panunungkulan ni Tayao ay nakakuha ng mahigit 20 kontrata sa Iloilo na nagkakahalaga ng P2 bilyon.

Sa pag-aaral umano sa performance ng dalawang kompanya marami silang negative slippages.

Sa katunayan, isang proyekto na ayon sa kontrata ay dapat matapos noong Agosto 2013 ay 45 percent lang ang accomplishment.

Meron din tatlong iba pa na nakatakdang matapos sa taon 2013 pero sa datos mismo ng DPWH ay one percent pa lang ang accomplishment.

Ang tanong ngayon, bakit ipinipilit ni Tayao na makasali na naman ang “IBC in JV (kuno) with A.M. Oreta,” samantala ‘di naman nag-apply o nagsumite ng letter of intent sa DPWH.

Ayon sa batas, “Other contractor who were previously deemed not eligible may apply for eligibility (Section 53.1.2.1 IRR of Procurement Law).”

Noon, si Tayao rin ang isa sa miyembro ng BAC for Equipment na nag-apruba sa bid ng MAN Trucks kahit na nakasaad sa liham ng Regional Sales Office ng MAN, na ang truck na kanilang offer ay (actual) lang nilang gagawin para lamang makasali ang MAN sa naturang bidding.

Sa ngayon ilang truck na nito ang nadisgrasya at ilan na rin ang nakapila sa service center ng MAN sa kadahilanan na ‘di dumaan sa quality control at maaga rin nasira.

Ang sabi-sabi, malaki ang kinita noon ni Tayao sa bidding na ito.

Ngayon ‘eto naman siya. Ang bata na naman n’yang si IBC ang siguradong mananalo sa bidding na ito, na ang nakalaan na budget ay P482 milyones.

(May Karugtong pa)

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *