PORMAL nang ipinakilala ni Customs Commissioner Ruffy Biazon sa ginanap na flag ceremony kahapon ang limang bagong deputy commissioner bilang bahagi ng reporma sa Bureau of Customs (BoC) na kinabibilangan nina Atty. Agaton Uvero, Deputy Commissioner, Assesment & Operations Coordinating Group; Ms. Maria Edita Tan, Deputy Commissioner, Revenue Collection Monitoring Group; ret. Gen. Jessie Dellosa, Deputy Commissioner, Enforcement Group; Ms. Myrna Chua, Deputy Commissioner, Internal Administration Group; at Mr. Primo Aguas, Deputy Commissioner, Management Information Systems & Technology Group. (BONG SON)
Pormal nang ipinakilala sa media ni Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon ang limang bagong Deputy Commissioners ng Kawanihan na sina:
Atty. Agaton Uvero, tututok sa assessment and operations coordinating group; retired AFP General Jessie Dellosa, sa Intelligence group;
Ms. Maria Edita Tan, tututok sa revenue collection monitoring group; Ms. Myrna Chua, para sa Internal Administration group at Mr. Primo Aguas, ang tututok sa management information systems and technology group.
Ani Biazon, ang pagkakahirang sa mga bagong deputy commissioners ay tutulong sa malawakang reporma na ipatutupad sa Kawanihan.
Inihalimbawa pa ni Biazon ang BoC sa isang computer na kailangan “i-reboot” para gumana ng maayos at unti-unting mawala ang pagkakakilala ng taumbayan sa kanilang ahensiya bilang “tiwali”
Nangako naman ang mga bagong deputy commissioner na susuportahan nila ang isinusulong na pagbabago sa Kawanihan.
(Leonard Basilio)