Tuesday , January 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Scalpers pinaghahanap

SUSPENDIDO ang staff sa Araneta Coliseum matapos putaktihin ng batikos ng mga estudyante sa social networking site.

Ubos na kasi ang ticket para sa UST vs La Salle Game 2 Finals ng 76th UAAP senior basketball tournament at halos lahat ay napunta sa mga scalpers.

Nakita sa Facebook account ng isang estudyante ang transaksyon ng isang scalper at opisyal mismo ng Big Dome.

Nagbenta ang TicketNet ng Game 2 passes noong Huwebes ng umaga sa booth ng Araneta Coliseum at hanggang dalawang ticket lang ang puwedeng bilhin bawat tao.

Lulugo-lugo ang mga estudyante nang i-anunsyo na ubos na ang ticket na binebenta subalit umusok ang ilong na mga ito nang biglang may sumulpot na scalpers at may dalang ticket sa halagang P2,500.

May ibinandera pang ticket ang isang scalper sa internet kasama ang gintong presyo.

Alam ng scalpers na pinaghahanap na sila kaya naman biglang naglaho ang mga ito at patagong nagbebenta ng ticket.

Upang maiwasan ang pang-aabuso sa pesyo ng mga tickets nagpaalala ang UAAP sa mga fans na huwag bumili sa mga scalpers.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …