Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

RoS hihirit pa ng isa?

PATUTUNAYAN ng Petron Blaze na kaya nitong makabangon sa kabiguan at tapusin na ang Rain or Shine sa Game Four ng 213 PBA Governors Cup best-of-five semifinals mamayang 7 pm sa Smart Aaneta Coliseum sa Quezon City.

Nabigo ang Boosters na walisin ang Elasto Painters noong Sabado nang sila ay masilat, 92-87. Doon nagwakas ang kanilang 11-game winning streak.

Kung makakabawi ang Petron mamaya ay tuluyan na itong didiretso sa best-of-seven championship round.

Pero kung makakaulit ang defending champion Elasto painters ay mapupuwersa nila sa deciding Game Five ang Boosters sa Miyerkules.

Nagwagi ang Rain or Shine sa kabila ng hindi paglalaro nina Paul Lee at Ryan Arana at pagkakaroon ng bahagyang injury ni JR Quinahan.

Ang Elasto Painters ay nakabalik sa siyam na puntos na kalamangan ng Boosters sa third quarter bunga ng matinding scoring nina Jeff Chan at Arizona Reid sa final period. Sa punto ring iyon ay gumana ang depensa ni Gabe Norwood kontra kay Elijah Millsap.

Si   Millsap, na siyang frontrunner sa labanan para sa Best Import award, ay nabokya ni Norwood sa second at fourth quarters. Nagtapos siya nang may 17 puntos kumpara sa 25 ni Reid.

Kulang man sa tao ay umaasa si Rain Or Shine coach Joseller “Yeng” Guiao na patuloy na mapupunan ng ibang Elasto Painters ang pagkukulang.

“We’re just hoping to extend the series and keep our title retention hopes alive. We’d love to playing Game Five,” ani Guiao.

Ang Petron, na nagkampeon sa torneog ito dalawang seasons na ang nakalilipas, ay nagwagi sa Game One (91-83) at Game Two (90-88) .

Sa kabila naman ng pagkakapatid ng kanilang 11-game winning streak, tiwala si Petron coach Gelacio Abanilla III na kaya ng kanyang koponan na makabangon at wakasan ang serye.

Ni sabrina pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …