SINALAKAY ng mga pulis ang bahay ni MNLF founding chairman Nur Misuari sa Brgy. San Roque sa Zamboanga City kahapon ng madaling araw.
Nilinaw ni Police Regional Office (PRO9) spokesman, C/Insp. Ariel Huesca na bahagi ng operasyon ng pulisya at militar ang isinagawang pagsalakay sa bahay ni Misuari.
Depensa ni Huesca, ang pagtungo ng mga tropa ng gob-yerno sa bahay ng dating ARMM governor ay covered ng search warrant na ipinalabas ng korte kung saan kabilang si Misuari na kinasuhan ng rebelyon dahil sa tangkang pananakop sa syudad ng Zamboanga.
Ayon kay Huesca, kinakai-langan halughugin ang bahay ni Misuari nang sa gayon ay baka may makuha pang mga ebidensiya sa kanyang compound.
CODDLERS BINALAAN NG PALASYO
MARIING binalaan ng Malacañang ang mga nagkakanlong o nagtatago kay MNLF founding chairman Nur Misuari.
Kaugnay nito, bigo ang mga awtoridad na maaresto kahapon ng umaga si Misuari para isilbi ang arrest warrant kaugnay sa mga kasong kinakaharap sa pag-lusob ng kanyang paksyon sa Zamboanga City.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, kabilang sa haharaping kaso ng mga mapatutunayang nagkakanlong kay Misuari ang obstruction of justice.
Ayon kay Valte, puspusan ang paghahanap ng mga alagad ng batas kay Misuari para mapanagot sa mga kasalanan.
Hindi naman masabi sa ngayon ni Valte kung nasa bansa pa si Misuari at baka mabulilyaso aniya ang operasyon ng gob-yerno.
Sa ngayon pinag-aaralan pa aniya ang paglabas ng pabuya sa sino mang makapagtuturo sa pinagtataguan ni Misuari.