SINAMPAHAN ng kasong plunder ng Department of Justice (DoJ) sa Office of the Ombudsman sina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ilang miyembro ng gabinete ng dating administrasyon, kabilang ang negosyanteng si Janet Lim-Napoles kaugnay ng P900 milyon Malampaya gas fund scam.
Kabilang sa sinampahan ng kasong plunder ay sina dating Executive Secretary Eduardo Ermita, dating Agrarian Reform Secretary Nasser Pangandaman, dating Agrarian Reform Undersecretary Rafael Nieto, DAR finance officer Teresita Panlilio, dating Budget Secretary Rolando Andaya, at Budget Undersecretary Mario Relampagos.
Ayon kay Justice Sec. Leila De Lima, nagsabwatan ang mga opisyal ng dating administrasyon para mailabas ang pondo mula sa Malampaya gas project sa pamamagitan ng mga bogus na NGOs ni Napoles.
Magugunitang inimbitahan ng DoJ at NBI ang 97 mayors na sinasabing peneke ang kanilang mga lagda ng NGOs ni Napoles upang makuha ang halos P1 bilyong pondo mula sa Malampaya gas na pinalalabas na gagamitin sa mga biktima ng bagyong Ondoy at Pepeng noong 2009.
HATAW News Team