DAPAT ba talagang maging hepe ng pulisya si Sr/Supt. Rodolfo Llorca?
Hindi natin hinahatulan ang pagkatao ni PNP-Pasay COP KERNEL LLORCA, pero sa ating palagay, ang nararapat na ilagay na hepe ng pulisya sa isang lugar o lungsod na gaya ng Pasay City ay ‘yung kayang ipagsanggalang ang moralidad ng kanilang hanay laban sa mga mapanuksong ‘PAGKAKAWARTAHAN’ mula sa mga illegal.
Malakas ang bulungan sa Pasay City na si KERNEL LLORCA ay ‘nagmamadali’ na raw kaya naman ang mga ka-RUBBING ELBOWS daw niya ngayon ay ‘yung mga RICH & FAMOUS sa kanyang AOR.
Kaya nga raw kapag mayroong RICH & FAMOUS na nagpa-PARTY sa PASAY CITY, asahan ninyong ang mga kakwentohan ni KERNEL LLORCA unang-una na ay si Pasay City Mayor ANTONINO CALIXTO at ang peborit BAGMAN ng PNP-Pasay na si alyas Ka ALAN ASPELETA.
Kaya hindi na nakapagtataka kung kasama si KERNEL LLORCA sa mga binalaan ni NCRPO chief, Gen. Marcelo Garbo, Jr., na mag-ulat nang tama dahil unang-una siya sa listahan ng mga CHIEF OF POLICE (COP) na mayroong “underreported crime incidents.”
Sa madaling salita, ‘DINODOKTOR’ ang crime incidents?!
Akala siguro ni KERNEL LLORCA ‘e hindi mamo-MONITOR ng PNP-NCRPO ang kanyang area of responsibility. Paanong bumaba ng 40 porsiyento ang crime rate sa Pasay mula sa dating 60 percent ‘e araw-araw ang snatching, holdapan, prostitution, drug trafficking, 1602 at patayan d’yan sa Pasay City?
At paano nga talagang mamo-monitor ni KERNEL LLORCA ang mga nagaganap na krimen sa kanilang AOR kung isang LUGAR o isang ESTABLISYEMENTO lang ang kanyang napupuntahan?!
Tsk tsk tsk …
PNP chief, DIR. GEN. ALAN PURISIMA Sir, sabi ng mga pulis sa Pasay City bakit hindi mo raw ipa-LIFESTYLE CHECK ‘yang si KERNEL LLORCA, baka isang araw ‘e magising na lang kayo, na siya pala ay hindi lang isang POLICE OFFICIAL kundi ala-NAPOLES na sa YAMAN!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com