Monday , December 23 2024

P.3-M natangay sa sikat na cager

Tinatayang aabot sa P.3 milyon halaga ng ka-gamitan ang tinangay ng Akyat-Bahay gang sa tahanan ng sikat na PBA  player kahapon ng hapon sa Pasig City.

Ayon kay Pasig City police chief Sr/Supt. Mario Rariza, pinagnakawan ang bahay ni PBA cager Jimmy Alapag nasa #35 San Manuel St., Brgy. Kapitolyo ng lungsod.

Ayon kay Lari Jeanne Alapag, 32-anyos, dakong 4:30 ng hapon nang madiskubre ang pagna-nakaw ng  nakababatang kapatid na si Alodia Deanne Ricafort, 15-anyos.

Galing umano sa eskwelahan si Ricafort kasama ang kanilang kasambahay  at driver nang madiskubre na bukas ang pinto sa likuran ng bahay.

Sa kanilang pagsisiyasat, nawawala ang mamahaling gamit gaya ng isang Mcbook Pro, nagkakahalaga ng P100,000,  iPhone 5S na nagkakahalaga ng P35,000, isang iPod 2, nagkakahalaga ng P20,000 at 5 assorted  wristwatches na nagkakahalaga ng P100,000.

Ayon sa kasambahay na si Irene Egay, 23, may asawa, tubong South Cotabato, ikinandado umano niya ang lahat ng pintuan bago sila umalis dakong 1:00 ng hapon para  samahan sa eskuwelahan si Ricafort sa Makati City.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang mga salarin.

MIKKO BAYLON

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *