Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagkatalo ni Nora, dinamdam ng director ng Ang Kuwento ni Mabuti

MEDYO nasaktan si Mes de Guzman, direktor ng Ang Kuwento Ni Mabuti sa pagkatalo ni Nora Aunor sa Best Actress category sa nakaraang CinePilipino Awards Night. Pero naisip din nito na hindi kailangan ng aktres ang nasabing parangal at this point of her acting career.

“Isang proof din na blockbuster ‘yung pelikula, maraming nanood at nahusayan sa performance niya. Ang magda-judge pa rin niyan ay ang tao, hindi ‘yung anim na tao lang eh, ‘yung masa.”

Katunayan, hindi nagpaapekto ang magaling na direktor sa pagkatalo ni Nora dahil para sa kanya, isang pagpapatunay lamang ito na walang kinikilingan ang TV5 sa mga mananalo, kung sino ang mapili at mabigyan ng karangalan lalo pa’t isang contract star nila ang aktres.

“Tama rin, parang nirespeto nila ‘yung desisyon ng mga jury, ‘di ba? Hindi porke’t home network mo eh, mananalo ka. Okey din dahil para sa akin, kahit bali-baliktarin mo ang mundo, Nora Aunor ‘yan, Best Actress ‘yan. Nakakabit na sa kanya.”

On the lighter, medyo natawa pa ito nang tanungin kung alam nito kung sino-sino ang mga kinuhang hurado sa nasabing awards night.  ”Naku, mga foreigner, apat tapos, dalawa ‘yung Pinoy sa pagkakaalam ko lang kasi ‘di ko rin naman inaalam eh. Basta ako, sumasali ako, gumagawa ako (pelikula) hindi para sa awards eh. Kahit matalo ako, gagawa’t gagawa ako ‘yung sa tingin ko na pelikulang magugustuhan din ng tao o vision ko bilang direktor.”

Nagkaroon kami ng pagkakataong mapanood ang obra ni Direk Mes sa last day screening nito sa Gateway Cinema 4.  Simple lang ang istorya ng buhay-probinsiya ni Mabuti but what made it very exciting to watch ay ang iba-ibang emosyon na ipinakita ng aktress and as usual, the very Nora way, less talk but more on eye acting. Obviously, wala si Nora sa nasabing screening at nagkaroon naman kami ng pagkakataong makausap si Direk Mes.

Kinuha namin ang kanyang reaksyon sa pagkatalo ni Nora, ”Ako, ang posisyon ko kasi riyan, dahil Best Picture kami, ‘yan ang totality tapos Nora Aunor na ‘yan eh. Hindi na pinag-uusapan kung mahusay siyang aktres. Hindi naman mabubuhay ‘yung pelikula kung wala ‘yung performance ni Ate Guy. Wala naman ako sa posisyon na magsalita tungkol d’yan dahil hindi naman ako isa sa mga jury pero para sa akin best actress si Nora Aunor, siyempre.”

Ipinaabot din namin sa kanya ang ilang pahayag ng mga kasamahan namin sa panulat na dapat bawasan ang ilang eksena dahil medyo lumaylay ang takbo ng istorya ng pelikula, ”Ah, parang i-edit. Wala eh, ako naman nirerespeto ko naman ang opinion nila. Ako kasi, na-experience ko na rin sa ibang mga pelikula ko, ganyan talaga ang pacing ng mga gawa kong pelikula, mas mabilis pa nga ito eh, ang dating mga pelikula ko, mabagal. Tulad ng pelikulang ‘Ang Daan Patungong Kalimugtong’, ‘Diablo’ na nanalong Best Actress si Ama Quiambao, nanalo rin ng Best Picture sa Cinemalaya. Ako, nirerespeto ko kahit may magsabing pangit naman eh, hindi deserving manalo.  Ako nererespeto ko. Talagang ganoon, respetuhan na lang. Ang mahalaga, nasunod ko ‘yung gusto ko.”

Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …