Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Phl U16 team tinambakan ang Japan

MINASAKER ng Pilipinas ang Japan, 94-76, noong Linggo ng gabi sa pagpapatuloy ng FIBA Asia Under 16 championships sa Tehran, Iran.

Nagsanib ang kambal na sina Michael at Joseph Nieto ng 34 puntos at 13 rebounds para pangunahan ang mga Pinoy sa ikatlo nilang panalo kontra sa isang talo sa torneo.

“We just executed our plans. And I am so happy the boys reacted well,” wika ni RP coach Jamike Jarin. “We really prepared a special game plan for them (Japan) and the boys followed it to the letter.”

Habang sinusulat ito ay naglalaban ang mga Pinoy at India.   Kailangan tumapos ng  mataas na puwesto ang Pinas sa kanilang braket upang makaiwas sa Korea at Tsina sa knockout round.

Sa huling FIBA Asia U16 noong 2011 ay tumapos ang mga Pinoy sa ika-apat na puwesto sa ilalim ni coach Olsen Racela.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …