Saturday , April 19 2025

Jessy, bagay na bagay maging Maria Mercedes (Bukod-tanging Pinay na inendoso ni Thalia)

IISA ang narinig naming komento nang ipakilala si Jessy Mendiola at sumayaw sa saliw na Maria Mercedes sa presscon nito noong Biyernes sa Plaza Ibarra, Timog. Sa ganda at kaseksihan ni Jessy, hindi siya nalalayo sa orihinal na Maria Mercedes na si Thalia.

Sinasabing isa sa may pinakamagandang mukha si Jessy kaya tama lamang na gampanan niya ang Maria Mercedes na mapapnood na  simula Lunes (Oct. 7) sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Makakatambal niya rito sina Jake Cuenca bilang si Luis at si Jason Abalos naman bilang si Clavio.

“Tiyak muling mapapangiti, mapapaiyak, at mapapaibig ni Mercedes ang mga manonood sa kanyang makulay na kuwento,” ani Jessy. ”Mas tatagos pa ito lalo sa puso ng mga Pinoy dahil binigyang diin talaga naming sa istorya ang mga pagpapahalaga nating mga Filipino lalo na sa pamilya.”

Kaya ugaliing tumutok tuwing hapon sa kuwento ni Mercedes at kung paano niya haharapin ang hamon ng buhay at unang pag-ibig. Mula sa kanilang simpleng pamumuhay sa probinsiya, luluwas si Mercedes kasama ang kanyang ama’t mga kapatid patungong Maynila para makalimot sa sakit na idinulot ng kanilang ina. Maagang papanaw ang kanyang ama kaya naman maaga ring iaatang sa balikat ni Mercedes ang responsibilidad na alagaan ang kanyang mga kapatid.

Sa paglipas ng panahon, patatatagin si Mercedes ng kahirapan at mag-isa niyang itataguyod sina Rosario (Devon Seron) at Andres (Yogo Singh). Kasama ang kanyang kababatang si Clavio (Jason), papasukin ni Mercedes ang lahat ng uri ng trabaho, basta marangal, matustusan lang ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Ngunit ang kanyang mundo ay magbabago sa pagtibok ng kanyang puso sa mayamang si Luis SanCuevas (Jake).  Anong mga hamon ang haharapin ni Mercedes sa kanyang unang pag-ibig? Sino ang mga hahadlang sa kanilang pag-iibigan? Paano mayayanig ang kaniyang mundo sa pagdating ni Santiago (Ariel Rivera), ang lalaking maaring tuluyang mag-ahon sa kanya sa kahirapan?

Kasama rin sa cast ng Maria Mercedes sina Vina Morales, Dominic Ochoa, Nikki Gil, Vivian Velez, Nadia Montenegro, Atoy Co, Erika Padilla, Marx Topacio, Alex Castro, at Isabelle De Leon. Ito ay sa direksiyon ni Chito S. Rono.

Ang Maria Mercedes ay isa sa mga handog ng ABS-CBN para sa ika-60 taong pagdiriwang nito ng telebisyon sa bansa. Taong 1996 nang ipinalabas ang orihinal na Maria Mercedes sa Kapamilya Network at isa ito sa pinakamatagumpay na telenovela sa kasaysayan. Ang remake ng  Maria Mercedes ang tanging remake ng sikat na mga Thalia-serye sa bansa na inendorso at binasbasan mismo ni Thalia.

Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Kazel Kinouchi

Kazel Kinouchi hindi makawala sa kontrabida role

RATED Rni Rommel Gonzales PAGKATAPOS ng highly successful na Abot Kamay Na Pangarap ay may bago na …

Pilita Corrales Jackie Lou Blanco Ramon Christopher

Pilita walang malubhang sakit: She died in her sleep

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “SHE died in her sleep, hindi siya nahirapan.” Ito ang tinuran ni Jackie …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Rhian Ramos

Rhian bumisita sa 7 simbahan sa Maynila

MATABILni John Fontanilla NGAYONG Holy Week ay inihatid ng programang Where In Manila, hosted by Rhian Ramos ang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *