Friday , December 27 2024

Sunog sa Binondo na ikinamatay ng apat katao dapat masusing imbestigahan!

00 Bulabugin JSY

KAHILA-HILAKBOT ang pagkamatay ng apat katao sa sunog na naganap sa isang lumang bahay sa Fernandez St., Sta. Cruz, Maynila nitong Lunes ng umaga.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, ang sabi, kaya mabilis na kumalat ang apoy ‘e dahil gawa umano sa light materials at luma na ang bahay.

Kaya hindi na raw nakalabas ang apat na biktima ay dahil napakabilis umano ng pagkalat ng apoy.

Pero iba po ang nakalap na impormasyon ng inyong lingkod.

Totoong mabilis na kumalat ang apoy, pero hindi lang dahil gawa sa light materials ang bahay kundi ‘IMBAKAN’ pala ‘yan ng paputok.

Imbakan ng paputok na pag-aari ng isang barangay chairman.

Ayon sa mga nakasaksi, mabilis nga raw na binomba ang mga kwitis dahil baka magliparan pa at mahawa pa ang ibang buildings at establisyemento.

Ang masaklap pa, kung sino ‘yung nakatulong para agad maapula ang nasabing sunog ay ginagawan pa ng tsismis-politika.

Kaya raw namatay ang mga biktima ‘e dahil binomba ng ‘TUBIG’ noong kumakaway sa nakakandadong bintana para humingi ng saklolo.

Dahil sa pangyayaring ito, nangangamba ngayon ang mga residente at business establishments sa Sta. Cruz, Binondo at Tondo area na hindi malayong maulit ang nasabing pangyayari lalo na nga’t nalalapit na naman ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Pero ang higit na nakapangangamba rito ‘e ‘yung usapin na kung sino pa ang opisyal ng lokal na pamahalaan ‘e siya pang gumagawa ng illegal na pag-iimbak ng mga paputok.

Kung hindi magkakaroon ng masusing pagsubaybay o pagmo-monitor sa mga establishment, bodega o residensiya sa nasabing lugar hindi malayong maulit ang kagayang sunog na nagbuwis ng maraming buhay.

By the way Chairman Norma Morales, kilala mo ba kung sino ‘yang barangay chairman na may imbakan ng paputok d’yan sa area na ‘yan?!

Aba ‘e concern lang tayo sa negosyo ninyo Chairman dahil ilang beses na rin akong nakabili ng paputok d’yan sa tindahan mo …

Ingat-ingat Chairman.

Pero balik po tayo sa nasunog na ‘bodega ng paputok.’

Dapat imbestigahan maigi ng mga Arson investigator ng Bureau of Fire Protection (BFP) at ng Manila Police District – Homicide Section (MPD-HS) ang nasabing insidente ng sunog dahil naniniwala po tayo at ang mga residente sa nasabing lugar na mayroong dapat managot sa nasabing sunog at sa pagkamatay ng apat na biktima.

Paging BFP! Paging Manila police Homicide Section!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *