Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive ) (Part 21)

 KINAON NI ALING PATRING ANG MAG-INA NI MARIO PERO NATUNUGAN ITO NI PUNGGOK … ANG TSUTSU NI SARGE

Napatitig si Mario sa matandang babae. Tingin niya, pwede siyang matulungan nito sa piniproblemang pakikipagkomunikasyon kay Delia. Idiniga niya kung pa’no ito magisisilbing tulay nilang mag-asawa.

“Kung pwede lang po, pakisundo sana n’yo ang mag-ina ko. Dito n’yo sila dalhin … Kung pwede lang po.”

Sinang-ayunan agad siya ni Aling Patring.

“’Alang problema… ‘Yun lang pala, e,” anito sa pagpisil sa kanyang braso.

Tulad nang napagkasunduan, ang mag-ina ni Mario ay kinaon nga ni Aling Patring sa kanilang tirahan. Karga ang anak na si Dondie, sagsag na si Delia sa paglalakad, kabuntot ng matandang babae na batak ang mga binti sa maghapong pagtitinda ng basahan sa kalye.

Ngunit nakamanman pala sa mga galaw at kilos ni Delia ang tsutsu ni Sarge, si Punggok. Ang kabataang lalaki na utus-utusan sa opisina ni Kernel Bantog. Sa kabila ng nakababa-nas na init ng panahon ay palagi itong naka-jacket .May suot pa ngayong  itim na sunglasses. At sa pagkakataong ‘yun ay may tangan pang two-way radio.

“Nakamonitor ako, Sir. Paalis na ‘yung subject (ang tinutukoy ay si Delia) kasama ang anak at isang matandang babae,” ang ini-report ng kabataang lalaki sa grupo ni Sarge.

“Okey, copy.‘Punta na kami d’yan sa erya mo.” (Subaybayan bukas)

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …