IBINUNYAG ni Senador Jinggoy Estrada na nakapagtataka kung bakit ginastos ang bahagi ng pork barrel ni Mandaluyong City Rep. Neptali Gonzales sa pagbili lamang ng Jollibee products.
Ayon kay Estrada, lubhang nakapagtataka na pati ang Jollibee ay napasok sa PDAF gayong ito ay dapat na gastusin sa mga proyekto na pakikinabangan ng taong bayan.
Ibinulgar din ni Estrada ang ilan pang mga maanomalyang transaksyon na pinasukan ng pork barrel ni Gonzales.
Ito rin ang nakikitang dahilan ni Estrada kung bakit ayaw ni Gonzales na ma-abolish ang pork barrel ng mga mambabatas dahil sa mga transaksiyong pinaglagakan ng kanyang pork barrel.
Itinuturing ni Estrada na isang teleserye lamang ang ginawang CoA report na inilako aniya ni CoA Chairwoman Grace Pulido Tan sa miyembro ng mga media.
Kaugnay nito, niresbakan din ni Estrada ang kapwa niya mga senador ukol sa isyu ng bilyong pisong pork barrel scam na kabilang siya sa sinampahan ng kaso sa Ombudsman.
Kabilang sa mga niresbakan ni Estrada sina Senador Teofisto Guingona III, Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano, Francis “Kiko” Pangilinan, Senadora Miriam Defensor Santiago, dating senador Francis “Kiko” Pangilinan, at Manny Villar gayondin si Mandaluyong City Rep. Neptali “Boyet” Gonzales. Ayon kay Estrada nagtataka siya kung bakit hindi man lamang inimbestigahan ni Guingona na chairman ng Blue Ribbon Committee, ang mga nabanggit.
(NIÑO ACLAN)