Sunday , December 22 2024

House Bill 456 ni Rep. Marcelino Teodoro para ipagbawal ang parking fees, CR for fee sa malls, suportahan natin! (Paging SM, Robinson’s, Ayala, Landmark & Trinoma)

00 Bulabugin JSY
MATAGAL na nating isinulat sa ating KOLUM ang isyung ito.

Kaya naman natutuwa tayo kay Marikina City 1st District representative Marcelino Teodoro sa ginawa niyang panukalang batas (House Bill 456) na nagbabawal sa mga mall at hotels at iba pang pampublikong lugar na maningil ng parking fee.

Sa ilalim ng panukalang batas (HB 456), ang mga may-ari ng shopping malls, hotels at katulad na negosyo at commercial establishments ay pinagbabawalang maningil, manghingi, mangolekta o tarahan ng ano mang halaga ang paggamit ng parking spaces sa kanilang establisyemento.

Isa sa mga katiyakan na hindi maniningil ng parking fee o bayad sa paggamit ng comfort rooms ang isang establisyemento ay ang pagbinbin o hindi bibigyan ng building permit ang mga itatayong commercial establishments na mayroong parking spaces and facilities maliban kung magsusumite ng affidavit ang may-ari na ang kanilang parking spaces ay ipagagamit nang libre sa kanilang mga parokyano.

Ang sino mang lumabag sa nasabing batas ay maaaring makulong ng hindi bababa sa limang (5) taon at multang P500,000.

Hindi nga naman magandang serbisyo ito sa publiko lalo na iyong mga pribadong malls at hotels.

Mantakin naman ninyo, papasok ka na sa establisyemento para mamili o kumain tapos sisingilin ka pa nila ng parking fee?!

Ang mas malala pa nga, merong mall gaya ng Landmark sa Ayala at Greenhills na naniningil ng bayad kapag gumamit ng comfort room ang mga consumer.

O ‘di ba!?

Iimbitahan ninyo ang mga tao na mamili o magpunta sa estblisyemento ‘e saan ninyo ipagagarahe ang sasakyan ng mga consumer?!

Ang masakit pa rito, magbabayad ka na ng parking fee na per ora, tapos mababasa mo pa sa kanilang signage na wala silang pananagutan kapag nanakawan ang sasakyan mo at/o kapag ‘yung mismong sasakyan mo ang nawala.

SONABAGAN talaga ‘yan!

Pagbabayarin ka pero wala pala silang pananagutan kung ano man ang mangyari sa sasakyan ng consumer?!

Aba ‘e magsara na lang kayo!

By the way, ibinabayad ba ninyo ng ‘BUWIS’ ‘yang mga sinisingil ninyong PARKING FEES?!

Congressman Marcelino Teodoro, Sir, sana ay huwag ninyong bitawan ang panukalang batas na ito.

Huwag sana kayong marahuyo kung sino man ang gamiting ‘EMISARYO’ ng malls na ‘yan sa pagsusulong ninyo ng House Bill 456.

Mabuhay ka Congressman!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *