TANONG po ito ng mga Manileño.
Ano na nga ba ang nangyari sa disqualification case ni President Erap sa Korte Suprema?
Marami po ang nagtatanong nito lalo na nga’t nalalapit na naman ang barangay elections.
Marami rin ang nagtataka kung bakit napakabagal ng desisyon sa kasong ito ni President Erap gayong ‘yung kay dating Rep. Romy Jalosjos ay nadesisyonan agad?!
‘E kitang-kita naman na halos pareho lang sila ng kaso.
Kailangang-kailangan na pong malaman ni President Erap kung ano na ang status ng disqualificfation case laban sa kanya para hindi na rin siya mabitin-bitin sa pagdedesisyon.
Aba ‘e hirap na nang kaiisip si President Erap para sa kanyang mga susunod na plano kasi nga nakabinbin pa rin ang disqualification case niya.
Parang Damocles sword ito na nakaamba lagi sa leeg ni Erap, hangga’t hindi ito nareresolba ng Supreme Court.
Gusto rin natin magkaroon na ng peace of mind si Erap kung nararapat nga siyang tumakbo o kumandidato pa.
Maraming haka-haka tuloy ang kumakalat sa Maynila, kesyo may isang sekta na gumagapang raw sa Supreme Court para ayusin ang kasong ito?
Naghihintay na rin po ang mga dating barangay officials na mayroong kaso ng dismissal sa Ombudsman, ‘yan kasi ang gagamitin nilang basehan para makatakbo ulit sila sa darating na barangay elections.
Nakikiusap po tayo sa KORTE SUPREMA na madaliin na ang desisyon sa DQ ni Erap nang makakilos na nang tama ang lahat.
Bilis-bilis lang po mga kagalang-galang na Mahistrado … para po sa kapayapaan ng Maynila.
Mabuhay kayo!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com