Binabati ko ang hineteng si Jeffril Tagulao Zarate sa pagkapanalo ng kanyang tatlong sakay sa mga kabayong sina Be Humble, Crucis at Native Gift nitong nagdaang Sabado sa pista ng Metro Turf.
Ang pagkapanalo niya kay Be Humble ay mukhang naghahanap pa ng kalaban para sa mga kagrupo niya sa 3YO, dahil labis na kahanga-hanga na nilaro lamang siya ni Jeff hangang sa makarating sa meta at nakapagtala ng tiyempong 1:23.0 (13.0-21.5-22.5-26.0) sa distansiyang 1,400 meters.
Sa kabayong si Crusis naman sa isang tampok na pakarera ay mayroon pang maibubuga ang nasabing mananakbo paparating sa linya kahit pa 2,000 meters ang kanilang itinakbo at naorasan ng sarado dalawang minute na may kuwartos na 24.5-24.0-23.5-23.0-25.0.
Kaya naman naging matunog na ang paghaharap nila ng kampeong kabayo na si Hagdang Bato sa darating na Nobyembre.
At para naman sa ikatlong kabayo na si Native Gift ay maaaring isa rin ito na maging contender para sa mga 2YO na grupo dahil siya ay tumapos ng 1:11.2 (23.0-22.5-26.0) para sa 1,200 meters na distansiya.
Fred Magno