NANGAKO si Air21 head coach Franz Pumaren na maganda ang tsansa ng Express na makapasok sa semifinals sa susunod na PBA season.
Kahit nanalo ang Express kontra Alaska, 121-107, noong Linggo ay hindi sila nakapasok sa quarterfinals ng Governors’ Cup dulot ng kanilang mahinang quotient.
Sinabi ni Pumaren na ang pagdagdag kina Asi Taulava at Joseph Yeo ay senyales na determinado ang Air21 na makipagsabayan sa ibang mga koponan sa PBA.
“It’s not everyday that you get a big man like Asi,” wika ni Pumaren. “As for Joseph, I handled him at La Salle before so I know he can deliver. I’m still proud of our team. We can use this as a motivational factor for the next conference.”
Sa panig ng Alaska, bumagsak ang Aces sa ika-pitong seed sa quarterfinals kaya kailangan nilang talunin ang San Mig Coffee nang dalawang beses para makapasok sa semifinals.
“Iyan naman ang conference namin eh, we’ve been up and down. Di kami nakapag-respond ng maganda sa crucial game,” himutok ni Alaska point guard Jayvee Casio. “That’s the story of our conference. Up and down. May ganung games kami. Siguro di pa kami maka-respond consistently.”
(James Ty III)