GANADO at atat na ang delegasyon ng AVESCO-Philippine Memory Team para dominahin ang 1st Hong Kong Open Memory Championship na magsisimula sa darating na September 28-29 sa Kowloon, Hong Kong.
May kalamangan ang mga Pinoy sa nasabing event kaya naman naniniwala ang AVESCO team na kaya nilang makapag-uwi ng karangalan sa bansa.
Lulusob sa event ang 109 Memory athletes na kalahok galing sa mahigit 10 bansa kasama ang China, Japan, India, jkbn Mongolia, Singapore, Indonesia at host Hong Kong.
Ang 12 year old whizkid na si Jamyla Lambunao ang magtataguyod sa Kids Division para sa Pilipinas habang nakatoka sa Juniors Category sina Kian Christopher Aquino, Rhojani Joy Nasiad at Robert Bryan Yee.
Makakasama naman nina Grandmasters Mark Anthony Castañeda at Erwin Balines sina Robert Racasa, Anne Bernadette Bonita, beauty queen pageant contestant Abbygale Monderin, Axelyancy Cowan Tabernilla at Ydda Graceille Mae Habab sa adult category.
Ipatutupad sa two-day event ang World Memory Sports Council (WMSC) National Standard.
May 11 Filipinos nung nakaraang taon ang ipinadala sa London World Memory Championship 2012 kung saan ay nagpakitang-gilas ang mga pambato ng bansa.
Nag Over-all 3rd Place ang Philippines sa Team Category sa 24 na bansang kalahok.
Over-all First Runner-Up si Lambunao sa Kids Division at nag-uwi pa ito ng pitong medalya habang si Castaneda ay sinukbit ang Gold Medal sa Spoken Numbers category.
Nasubi naman ni Balines ang kanyang Grandmaster of Memory Title.
Ang AVESCO-Philippine Memory Team na inorganisa at ginagabayan ng Philippine Mind Sports Association, Inc. ay suportado ng AVESCO Marketing Corporation at ng DREAMHAUZ Management & Development Corporation.
Ni ARABELA PRINCESS DAWA