NORZAGARAY, Bulacan – Siguraduhin munang hindi suspendido ang inyong punong bayan bago magpakasal nang sibil sa opisina nito.
Tinataya kasi na uma-bot sa 39 ang bilang ng mga magsing-irog na mistulang na “wow mali” matapos sila’y ikasal ni dating Mayor Feliciano Legaspi mula Disyembre 2012 hanggang Mayo 2013.
Sa mga panahong iyon — 10 ang ikinasal sa buwan ng Disyembre 2012, 5 noong Enero 2013; 5 nang Pebrero 2013; 7 noong Marso 2013; 6 nang Abril 2013; at 6 nitong Mayo 2013. Sila ay ikinasal habang si ex-mayor Legaspi ay nasa ilalim ng “6-month suspension” na ipinataw ng Office of the Ombudsman.
Si ex-mayor Legaspi ay sinuspinde ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa kasong “grave abuse of authority” matapos alisin at i-demote sa puwesto ang kanyang municipal budget officer na si Yolanda Ervas at gawing public market administrator noong Mayo 19, 2011.
Bagamat naniniwala ang mga magkasinta-han na may kapangyarihan si Legaspi na mag-kasal noong araw ng pagdaraos ng seremonya, hindi naman ipinaalam ng dating alkalde na siya’y hindi maa-aring magsagawa ng civil marriage na isang ‘official act’ ng alkalde.
Ayon sa Municipal Attorney ng Norzagaray, may nilabag umanong probisyon ng batas – Article 352 of the Revised Penal Code (Performance of illegal marriage ceremony) – dahil ang nasa-bing mga kasalan ay pinamunuan ni Legaspi noong panahong siya ay suspendido. Batay sa official report ng Commision on Audit, si Legaspi ay suspendido mula Dis-yembre 13, 2012 hanggang Hunyo 13, 2013.
”Hindi natin masabing sila’y nalansi o naging bahagi ng isang huwad na seremonya. Ang kasal kasi ay isang sag-radong kaganapan sa buhay ng isang tao,” ayon naman kay kasalukuyang Mayor Alfredo Germar.
Maaari umanong makulong ng minimum na dalawang buwan hanggang sa maximum na 2 taon ang sinomang lumabag sa probisyon ng nasabing batas.
“Malinaw na marami sa taga-Norzagaray ang na “wow mali” at hindi biro ang nangyaring kasalan sa bawat pamilya ng 39 nagsasama na bilang magkaisang dibdib o mag-asawa sa mata ng publiko,” ani Mayor Germar.