Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive ) (Part 15)

LIGTAS SI MARIO SA KAMATAYAN PERO KANINO AT SINO ANG KANYANG SUSULINGAN

 

Lumikha ng pabilog na puyo ang nalabusaw na tubig. Pinaulanan ito ng bala ng mga baril ng tatlong pulis. Dito inubos ni Sarge ang kargang magasin ng hawak nitong baby armalite. Sa gigil na galit, wala itong nagawa kungdi ang magmura nang magmura.

Laking-dagat si Mario.Sanay siyang lumangoy at manisid  sa pamamana ng malalaking isda sa ilalim ng dagat. Tiniis niya ang baho at kalawanging tubig ng ilog na dinadaluyan ng mga dumi at kemikal na pinapakawalan ng mga pabrika sa paligid.   Paglutang niya, nasa kabilang pampang na siya ng ilog. Malayung-malayo na siya sa mga tumutugis.

Una niyang naisip ang pag-uwi sa pamilyang naghihintay. Ipagtatapat niya kay Delia ang lahat-lahat. Magpapasama siya sa kanyang maybahay na mag-report sa mga maykapangyarihan. Pero sino ang pwedeng makatulong sa kanya kung mismong mga awtoridad na dapat magbigay ng proteksiyon sa mamama-yan ang naghahangad sa kanyang buhay? Sa tserman ng barangay?

“B-bahala na,” kausap niya ang sarili.

Umaga na. Nakasungaw na sa mga ulap ang masiglang liwanag ng araw. Ang kapitbahay na panggabi sa call center ay nakasabay na niya sa daang pauwi. Ang matandang babae na naglalako ng pang-almusal na pandesal ay nakasalubong niya sa kanilang looban. Tila nagmamaraton ang mga papasok sa trabaho, eskwela at opisina. Bukas na rin ang tindahan ng sari-sari sa tabi ng kanilang inookupahang bahay. Mag-aala-sais na, tantiya niya.

(Subaybayan bukas)

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …

Christine Dayrit 60 Dream Holidays Around the World

Lipa City Top Global Destination sa 60 Dream Holidays Around the World ni Cristine Dayrit

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez LIPA, isang lungsod sa Batangas na paboritong local destination ng may …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …