Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

San mig vs Meralco

KAPWA pasok na sa quarterfinals ng 2013 PBA Governors Cup ang SanMig Coffee at Meralco subalit inaasahang magiging maigting pa rin ang kanilang salpukan mamayang 5:15 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Ito’y bunga ng pangyayaring ang magwawagi mamaya ay makakakuha ng twice-to-beat na bentahe sa quarterfinals.

Dikdikan din ang magiging sagupaan ng Barangay Ginebra San Miguel at Global Port sa ganap na 7:30pm dahil sa ang magwawagi ay makakausad sa susunod na yugto.

Ang Mixers at Bolts ay parehong may 5-3 records sa likod ng Petron Blaze na nagtapos nang may 8-1.

Magsusukatan ng lakas sina Marqus Blakely ng SanMig Coffee at Mario West ng Meralco.

Umiinit na rin ang two-time Most Valuable Player na si James Yap na sinusuportahan nina Peter June Simon, Mark Barroca, Marc Pingris at Joe DeVance.

Lumalim naman ang backcourt ng Meralco at nadagdagan sila ng scorer sa pagkakakuha kay Mike Cortez buhat sa Air 21.

Ang iba pang inaasahan ni coach Paul Ryan Gregorio ay sina Mark Cardona, Chris Ross, Reynell Hugnatan at Clifford Hodge.

Hangad ng Global Port (3-5) na tapusin ang elims schedule nito sa pamamagitan ng panalo upang ma- lampasan ang kabuuang bilang ng tagumpay sa unang dalawang conferences.

Sa import match-up ay magtutunggali sina Marketh Cummings ng Global Port at Dior Lowhorn ng Gin Kings.

Ang Barangay Ginebra ay may 3-4 record. Pagkatapos ng laro kontra Global Port ay makakasagupa pa ng Gin Kings ang Talk N Text sa Biyernes.

Hawak ngayon ni interim head coach Renato Agustin, ang Gin Kings ay pinamumunuan nina reigning Most Valuable Player Mark Caguioa, Jayjay Helterbrand, Chris Ellis at Billy Mamaril.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …