Monday , January 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Opisyal ng Bilibid utas sa ambush

NAPATAY ang 62-anyos opisyal ng New Bilibid Prisons (NBP) matapos pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa hindi pa mabatid na dahilan habang lulan ng kanyang sasakyan sa Muntinlupa City kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Medical Center Muntinlupa dahil sa tatlong tama ng bala sa kanyang katawan ang biktimang si Supt. III Francisco Abunales, nakatalaga sa office of the director ng NBP at residente ng Apartment 3, Vicar Village, E Rodriguez St., NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa.

Samantala isinugod din sa nabanggit na ospital ang biktimang si Jose Naborte, 36, at residente rin sa naturang lugar sanhi ng tama ng ligaw na bala sa kanang binti.

Ayon sa pulisya dakong 8:30 a.m. nang maganap ang pangyayari sa harap ng bahay ng biktima habang lulan ng minamanehong Mitsubishi Pajero, kulay asul (UBU-872).

Nabatid sa imbestigasyon, paalis na ng bahay ang biktima upang pumasok ng opisina kasama ang kanyang anak na si Francis Abunales nang tambangan ng dalawang ‘di kilalang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo.

Agad pinagbabaril ng isa sa suspek ang matandang Abunales ngunit nagawag makaganti ng putok ng anak na si Francis na hinihinalang tinamaan at nasugatan ang isa sa suspek na tumakas matapos isagawa ang krimen.

Tinamaan naman ng ligaw na bala ang bystander na si Naborte.

Narekober sa pinangyarihan ang limang basyo ng kalibre .45 pistola at pitong bala ng 9mm.

(MANNY ALCALA/JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …