BINABATI natin ang IGLESIA NI CRISTO at ang FELIX Y. MANALO FOUNDATION sa pakikipagtulungan ng lalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado at ng kaibigan nating si City of San Jose del Monte (CSJDM) Mayor REY SAN PEDRO sa matagumpay na pagdaraos ng “KABAYAN KO, KAPATID KO” Evangelical and Medical Outreach Mission sa nabanggit na siyudad.
Umabot po ng kalahating milyon (500,000) ang mga dumalong residente ng lalawigan mula sa North at South Bulacan.
Ang nasabi pong aktibidad ay ika-15 na sa idinaos ng INC at FYM Foundation sa buong bansa bilang paghahanda sa INC Centennial sa July 27, 2014 na gaganapin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Wala po tayong masasabi sa outreach program na ito ng INC.
Daig na daig ang serbisyo publiko ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Bukod po kasi sa medical mission ay namahagi pa ng “goods” ang INC.
Hindi po relief goods kundi “GIFT” para sa mga kababayan nating nangangailangan talaga.
Naging masaya po ang nasabing event dahil ramdam ng mga kababayan natin ang pagkalinga hindi gaya kapag pumipila sila sa DSWD na nagmumukha silang timawa.
Mabuhay ang INC!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com