Thursday , December 26 2024

Standard ng rice self sufficiency ibinagsak (Taggutom nagbabadya sa Pinoys?)

091713_FRONT
Babaan ang pamantayan para lang maabot ang layunin?

Ito ngayon ang lumalabas na estratehiya ng Department of Agriculture (DA) upang maabot ang rice self-sufficiency target na itinakda nito, ayon kay Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano, na kumastigo sa ahensya noong Huwebes sa pagdinig ng House Committee on Agriculture at ng Special Committee on Food Security.

Tumaas ang tensyon sa nasabing pagdinig matapos malaman ng mga kasapi ng dalawang komite ang balakin ng DA na i-”recalibrate” at babaan ang target sa produksyon ng bigas ngayon taon upang maituring lamang na “rice self-sufficient” sa bigas ang bansa. Ito ay upang isaalang-alang ang mga “bali-balita” na ang kinukonsumo ng bawat isang indibidwal o per capita consumption ng bigas sa bansa ay bumaba sa taunang 115 mula 119 kilo kada tao.

“Per Capita na naman ngayon ang dahilan. Iyan ang problema sa gusto ninyo (DA at NFA). Ang gusto ninyo, parang huwag tayong kumain ng bigas para tayo maging self-sufficient! Parang ‘yun ang gusto ninyo e,” naiinis na sinabi ni Alejano sa hepe ng DA-Bureau of Agricultural Statistics (BAS), Assistant Secretary Romeo Recide.

Si Recide ang isa sa mga pinuno ng DA na kinumbida ng Mababang Kapulungan nang linggong ito upang bigyang linaw ang totoong kalagayan sa suplay ng bigas ng bansa sa gitna ng mga ulat ng malawakang kakulangan at pagtaas ng presyo nito sa mga pamilihan.

Inamin ng DA sa nasabing pagdinig na ipinatawag ng Kongreso bilang pagtugon sa House Resolution No. 247 na inihain ng Magdalo Partylist. Sa naturang resolusyon, sinabing  nahuhuli na o kukulangin ng 2.5 milyon metriko tonelada (MT) ang DA sa target nitong produksyon ng bigas sa bansa ngayon taon upang maituring itong “rice self-sufficient.”

Naibunyag din ng nasabing ahensya na ang imbentaryo ng bigas na hawak ng NFA ay kulang ng 500,000 MT upang tugunan ang pangangailangan ng bansa hanggang matapos ang taon kasalukuyan.

Ayon sa BAS, ang produksyon ng bigas sa bansa ay maaaring umabot lamang ng 18.45 milyon MT ngayon taon. Kulang ito ng higit 2.5 milyong MT sa 21 milyong MT na itinatakda ng 2011-2016 Food Staples Security Program (FSSP), ang polisiya at patakarang ibinalangkas at ipinapatupad mismo ng DA.

Matapos ang masinsinang paggisa ng mga mambabatas, ibinulalas ni Recide na pinag-aaralan ngayon ng DA kung maaaring magsagawa ng pagbabago o “recalibration” sa rice self-sufficiency target ng ahensya.

Ani Recide, “one of the factors that is being looked at” (isa sa mga isinasaalang-alang) ng ahensya sa pagbabago “to ease up” o bigyang-kaluwagan ang target ng ahensya  ay ang bagong pagtaya sa per capita consumption na bumaba umano sa 114 hanggang 115 kilo mula sa dating 119 kilo kada tao.

MGA BODEGANG KAKALOG-KALOG

Nasabon din ang National Food Authority (NFA) sa nasabing pagdinig nang hindi maipaliwanag ni NFA Administrator Orlan Calayag kay Bulacan Rep. Jonjon Mendoza ang dahilan sa pagdalang ng delivery ng bigas sa  Bocaue, Bulacan sa gitna ng mga pagtitiyak na sapat ang supply ng bigas.

“Doon po sa Intercity, laging traffic dahil may dumarating na trak-trak ng bigas dati. Ngayon, pwede kang mag-bowling, pwede kang mag-basketball sa mga bodega. Ang tanong ko lang, nasaan ‘yung bigas with all these figures na pinapalabas ninyong may bigas?” pagtatanong ni Mendoza.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *