Sunday , November 24 2024

Atty. Levito Baligod, ibunyag mo ang corrupt na media sa NPC!

00 Bulabugin
HINIHIKAYAT natin si Atty. Levito Baligod, ang abogado ng mga whistleblower na nagbunyag sa  P10-billion pork barrel racket ni Janet Lim Napoles, na ibunyag na kung sino ang mga taga-media na nasa ‘BLUEBOOK’ lalo na ‘yung sinasabi nilang magka-partner na taga-media na member ng NPC.

Ooppps don’t get me wrong … NPC means NAPOLES PAYOLA CLUB.

Hindi na tayo nagtataka kung bakit sa kabila ng lantarang pagnanakaw at panloloko ng sabwatang Janet Lim Napoles at mga ‘politikong baboy’ ‘e nahahati pa ang media sa pagbabalita.

Napansin na natin noong una pa man, na sa kabila na mayroong law enforcer body (ang National Bureau of Investigation) na nag-iimbestiga sa P10-billion pork barrel scam ‘e biglang lumusot ang istoryang kinikikilan sina Napoles ng P300-milyon kaya umano biglang naging whistleblower ang kaanak nilang si Benhur Luy.

Hindi pa man lubusang naiintindihan ng publiko kung paano nagkaroon ng P10-billion pork barrel scam sa mga transaksiyones nina Napoles at mga kasabwat na senador at congressman ay mayroon nang natangkang pasamain agad ang imahe ng NBI o ng UNIT na may hawak sa nasabing kaso.

Ibig sabihin, sa simula pa lang ay mayroon nang pagtatangka ang mga miyembro ng NAPOLES PAYOLA CLUB na hatiin ang simpatiya ng publiko sa napakalaking KASO ng PAGNANAKAW sa pondo ng sambayanan.

Si Napoles, ang kanyang pamilya at mga kasabwat ay patuloy na nagsisikap para pagtakpan ang kanilang walang hanggang paglulustay sa salapi ng bayan.

Habang milyon-milyong bata at mga kabataang Filipino ang malnourished at hindi nakapag-aaral dahil sa sinasabing kakapusan sa budget  ‘e hindi naman malaman ng mga Napoles kung saan ilalagay ang mga perang nakukulimbat nila mula sa Philippine Development Assistance Fund (PDAF) na sana’y nakalaan para sa mga kababayan natin sa kanayunan na hikahos ang kabuhayan.

Naroong ilagay sa likod ng kotse dahil hindi na kasya sa vault. Sa kanilang mga bath tub (ilan kaya ang bath tub sa bawat bahay ng mga Napoles?), ipambili ng kung ano-anong kaluhuan  o magpa-PARTY araw-araw para mabawasan ang kwartang hindi na alam kung saan ilalagay.

Isa tayo sa mga nagdarasal, araw-araw, na sana’y huwag mabigo ang grupo nina Atty. Levito Baligod at NBI team sa mga ebidensiyang hawak nila para tuluyang  ma-SWAK sa dapat nilang kalagyan sina Napoles at ang kanyang mga kasabwat na senador at congressman gayon din ang mga miyembro ng NAPOLES PAYOLA CLUB  lalo na ‘yung sinasabing mga taga-media.

Isa na nga riyan ‘e ‘yung isang taga-media na nag-alok kay ALAM president Atty. Toto Causing ng P.5-milyon para i-pull-out daw ang kanyang ‘BLOG’ tungkol sa kaluhuan ng pamumuhay ng bunsong anak ni Napoles. Pero nang hindi pinagbigyan ay idinemanda ng LIBEL si Atty. Causing.

Isa ito sa mga nakalulungkot na pangyayari sa ating bansa ngayon.

Ang media na dapat ay tapat na nag-uulat sa mamamayan pero nagagamit pang ‘BROKER’ para sa pang-aareglo, pananakot at pang-iimpluwensiya ng mga katulad ni Napoles.

Hala, Atty. Baligod, ibunyag mo na ‘yan para mahubdan ng MASKARA!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.7630 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *