Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Taulava excited sa pagbabalik sa PBA

INAMIN ni Asi Taulava na ganado siya sa muli niyang pagtapak sa hardcourt ng PBA pagkatapos ng kanyang paglarga sa ASEAN Basketball League para sa San Miguel Beer.

Lalaro si Taulava mamaya para sa Air21 kalaban ang kanyang dating koponang Talk ‘n Text sa PBA Governors’ Cup sa PhilSports Arena sa Pasig.

“I am so excited. I can’t wait to step on the floors of the PBA again. If only I can pull time,” wika ni Taulava sa panayam ng PTV Sports.

“I love the PBA. I have so much memories playing here. So it will be like a homecoming for me. I am so excited. I can’t wait to play against the best of the best today.”

Nagpasalamat si Taulava sa pangulo ng San Miguel Corporation na si Ramon S. Ang sa pagpayag sa kanya na muling maglaro sa PBA.

Sinabi naman ng point guard ng TNT na si Jimmy Alapag na malaki ang maitutulong ni Taulava sa Express lalo na kagagaling lang ng Tropang Texters sa masama nilang pagkatalo kontra Petron Blaze noong isang gabi. (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …