Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Petron susubukan ang tikas ng Alaska

NAIS ng Petron Blaze na mapanatili ang pagbabaga sa salpukan nila ng Alaska Milk sa 2013 PBA Governors Cup mama-yang 7:30 pm sa Philsports Arena sa Pasig City.

Babawi naman sa pagkakalugmok ang Talk N Text  kontra Air 21 sa unang laro sa ganap na 5:15 pm.

Hawak ngayon ni coach Gelacio Abanilla III, ang Petron Blaze ay may six-game winning streak matapos na matalo sa kanilang unang laro.

Kahit na nakapasok na sila sa quarterfinal round ay nais ni Abanilla na ipagpatuloy ng Boosters ang kanilang pananalasa kontra Aces na siyang reigning Commissioner’s Cup champions.

Ang Aces ay galing a 95-82 pagkatalo sa SanMig Coffee noong Martes ay bumagsak sa 4-4 record.

Sa import match-up ay magtutunggali sina Elijah Millsap ng Petron at Wendell McKines ng Alaska Milk.

Ang Talk N Text ay tinambakan ng Petron noong Miyerkoles at naghahangad na makabawi kontra sa nangungulelat na Air 21.

Nagsibalik na ang apat na Gilas Pilipinas members na sina Jimmy Alapag, Jayson Castro, Ranidel de Ocampo at Larry Fonacier sa active duty para sa Talk N Text.

Umaasa si coach Norman Black na makakabawi ang kanyang import na si Tony Mitchell na nalimita sa pitong puntos kontra Petron.

Makakatapat ni Mitchell si Zach Graham na kagaya niya ay isang matinding scorer.

Sa ngayon ay tila nakatuon na ang pansin ng Air 21 sa susunod na season matapos na ipamigay sina Mike Cortez at  James Sena sa Meralco kapalit nina Mark Borboran at Asi Taulava.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …