Sunday , December 22 2024

Antipolo politics: Labanang David and Goliath

00 rex target logoLANGIT at lupa ang pagitan ng magkatunggaling politiko sa Antipolo City. Sa isang corner, ang incumbent Mayor Jun Ynares mula sa angkan ng mayaman at tradisyonal na politiko samantala, sa kabilang kampo naman ay isang Puto Leyva, kasalukuyang vice mayor ng Antipolo mula sa middle class family na ang naging daan upang maluklok sa poder ay dahil sa pagiging mabuting tao at walang kapares na pakikisama sa kapwa.

Hindi pa man nakikita o nababanaag sa horizon ang aninag ng eleksyon, natalos na ng mga Ynares ang potensiyal ni Leyva para maging isang magiting na lider.

Dahil sa pananaw na ito, agad tinarget ng political artillery ng mga Ynares ang bise alkalde.

Inakusahan ng kung ano-ano at ini-harass nang kaliwa’t kanan.

Kinasuhan si Leyva ng samo’t saring asunto upang madiskaril ang political career ng mama.

Tinanggalan ng opisina at inalisan ng office staff para sa ganoon ay madesmaya at isuko ang kanyang mithiing maging alkalde ng Antipolo.

DAVID and GOLIATH ang magiging paghaharap nina Jun Ynares at Puto Leyva sa darating na 2016 elections.

Laban sa pagitan ng isang armado kontra prinsipyo at tapat na malasakit sa kanyang mga kababayan.

Tangan ni Ynares ang resources hindi lamang ng siyudad ng Antipolo kundi maging ng buong probinsiya ng Rizal. Nasa kanya na lahat ang mga tao, gamit at kuwarta ngunit hindi natatakot o tinatayuan man lamang ng balahibo si Vice Mayor Leyva.

Alam kasi ni Bise ang tunay na pulso ng mga mamamayan ng Antipolo City. Uhaw sila sa tunay na pagmamahal at pagkalinga ng isang lider.

Gutom ang mga mamamayan sa tapat at dalisay na serbisyo-publiko. At lalong naghahangad ang taumbayan ng Antipolo ng tunay na pagmamalasakit sa kanilang ama ng lungsod.

Hindi yaong puro ngiti lamang at pangunguyakoy sa loob ng city hall ang inaatupag.

Walang pera si Leyva ngunit napakarami niyang kaibigan at supporters na naniniwala sa kanya at umaasa.

Alam ng sambayanang Antipolo na kung si Puto Leyva ang kanilang pipiliin bilang ama ng siyudad, hindi na magtatagal ang kanilang pinapangarap na ginhawa sa buhay.

Magiging parehas na ang pagtrato ng lokal na pamahalaan sa lahat ng constituents nito. At ang pinaka-importante, mailalagay na nila sa city hall ang isang tapat na lingkod bayan sa katauhan ni Puto Leyva na kailanman ay hindi sila PAGNANAKAWAN at PAG-IIMBUTAN.

At muli ay maaangkin na ng taong bayan ng Antipolo ang buong city hall na sagisag ng kanilang mismong tahanan.

Sa liderato ni Leyva, di na sila mapagkakaitan pa ng basic services na lehitimong para sa kanila.

Sa Biblical story na ito, makikita sa ending kung paano ginapi ng maliit na si David ang higanteng si Goliath na naging palalo at mapang-api.

Mabuhay kay Mayor Puto Leyva!

Sabi nga sa ginintuang kasabihan, mapalad ang mga inaapi dahil sa dulo ay sila ang mananaig!

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR ustream TV” Monday to Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

 

ni Rex Cayanong

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *