Tuesday , December 24 2024

Sports

Malaking kawalan si Cariaso sa San Mig

MALAKING bagay din para sa San Mig Coffee at kay head coach Tim Cone ang pagkawala sa coaching staff ni Jeffrey Cariaso na ngayon ay nasa Barangay Ginebra San Miguel na. Si Cariaso ay ninombrahan bilang head coach ng Gin Kings kapalit ni Renato Agustin simula sa kasalukuyang Governors Cup. Isang malaking promotion ito para kay Cariaso na walong conferences …

Read More »

Pacers isinukbit ang game 1

SINANDALAN ng Indiana Pacers ang kanilang home-court advantage kaya naman naka-una sila sa Game 1, Eastern Conference Finals ng 2013-14 National Basketball Association, (NBA) kahapon. Kumana ng 24 puntos at pitong assists si Paul George upang kaldagin ng Pacers ang two-time defending champions Miami Heat, 107-96. ‘’This is just a fun matchup,’’ wika ni forward George. ‘’It’s one that we’ve …

Read More »

Ginebra kontra Globalport

DALAWANG dating imports ang muling magpapakitang-gilas sa magkahiwalay na laro ng PBA Governors Cup mamayang gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Ipaparada ng Rain or Shine si Arizona Reid sa duwelo nila ng Air 21 sa ganap na 5:45 pm. Sasandig naman ang Globalport kay Leroy Hickerson sa laban nila ng Barangay Ginebra San Miguel sa 8 pm …

Read More »

So kampeon sa Capablanca tourney

NALAMPASAN ni Pinoy super grandmaster Wesley So ang 10th at final round kahapon upang sungkitin ang titulo sa naganap na 49th Capablanca Memorial 2014 sa Havana, Cuba. Hindi nagtagal sa upuan si 20-year old So (elo 2731) dahil isang mabilis na draw ang naging labanan nila ni GM Zoltan Almasi (elo 2693) ng Hungary. Umabot lang sa 12 moves ng …

Read More »

Yap ‘di makapaniwala na siya ang MVP

WOW! Salamat! Iyan ang mga unang katagang namutawi sa labi ni James Yap matapos na ideklara ng PBA Press Corps sa pangunguna ni secretary Waylon Galvez (na nagdiwang ng kanyang birthday noong Biyernes) na siya ang napiling Holcim Most Vauable Player of the Finals ng katatapos ng PBA Commissioner’s Cup noong Huwebes. Nagulat si James sa pangyayari. Hindi siya handa, …

Read More »

Kid Molave, malaya magkakasubukan

Sa kabila ng hindi kagandahan sa arangkadahan at makailang beses din na nasalto ay nalusutan ang lahat ng iyan ni jockey John Alvin B. Guce para maipanalo ang kabayong si Kid Molave sa unang leg ng 2014 PHILRACOM “Triple Crown Stakes Race” (TCSR) na naganap nung isang hapon sa pista ng Metro Turf sa Malvar, Batangas. Kaya naman ang lahat …

Read More »

So pinasuko ang Cuban GM

PINAYUKO ni super grandmaster Wesley So si Cuban GM Leinier Perez Dominguez kahapon upang mapalakas ang tsansa na makuha ang titulo sa nagaganap na 49th Capablanca Memorial 2014 sa Havana, Cuba. Pinisak ni Pinoy woodpusher So (elo 2731) ang top seeded na si Dominguez (elo 2768) sa 64 moves ng Sicillian English Attack upang ilista ang 5.5 points at masolo …

Read More »

Gerald Anderson inisnab ang laro sa Filoil

HINDI sumipot ang aktor na si Gerald Anderson sa laro ng kanyang koponang Holy Trinity College kontra University of the Philippines kahapon sa Filoil Flying V Pre-Season Premiere Cup sa The Arena sa San Juan. Ayon sa head coach ng Wildcats na si Pol Torrijos, may biglaang iskedyul ng taping si Anderson para sa kanyang teleseryeng Dyesebel ng ABS-CBN si …

Read More »

Kia makikipag-usap sa PBA (Tungkol kay Pacquiao)

PORMAL na hihiling ang Kia Motors sa PBA para pagbigyan si Manny Pacquiao na makapasok nang libre sa liga bilang playing coach ng baguhang koponan na sasabak sa darating na PBA season. Sinabi ng team manager at business manager ni Pacquiao na si Eric Pineda na magpapadala siya ng sulat kay Komisyuner Chito Salud para makipagpulong sila sa Board of …

Read More »

Ibaka ‘di lalaro sa West Finals

SASABAK ang Oklahoma City Thunder sa Western Conference Finals subalit hindi naman nila makakasama sa basketball court ang pambato nilang power forward na si Serge Ibaka. Nagkaroon ngt  injury si Ibaka nang talunin nila ang Los Angeles Clippers, 104-98 sa Game 6 sa nagaganap na National Basketball Association (NBA) second round playoffs. Left calf injury isang grade 2 sprain ang …

Read More »

NCAA may bagong iskedyul

SIMULA ngayong taong ito ay magkakaroon ng bagong iskedyul ang mga laro ng National Collegiate Athletic Association (NCAA). Gagawin ang mga laro ng men’s basketball tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes mula alas-12 ng tanghali at alas-2 ng hapon samantalang mga laro sa juniors basketball ay gagawin tuwing alas-10 ng umaga at alas-4 ng hapon. Bukod dito ay magkakaroon ng isang …

Read More »

ABL walang koponang Pinoy

KINOMPIRMA ng isang opisyal ng ASEAN Basketball League na walang koponan mula sa Pilipinas ang lalaro sa bagong season ng liga na magbubukas sa Hulyo. Ayon sa nasabing opisyal, kapos na sa panahon ang ABL para kumbinsihin ang mga kompanya sa Pilipinas para magkaroon ng koponan sa nasabing regional league. Naging kampeon sa ABL ang San Miguel Beer noong isang …

Read More »

So kapit tuko sa unahan

DALAWANG magkasunod na tabla ang sinulong ni Pinoy grandmaster Wesley So upang manatili sa unahan matapos ang round 7 ng nagaganap na 49th Capablanca Memorial 2014 sa Havana, Cuba kahapon. Nakapagtala ng 4.5 points si So (elo 2731) papasok ng eighth round habang solo sa segundo puwesto si top seed Leinier Perez Dominguez (elo 2768) ng Cuba. Tabla ang laro …

Read More »

San Mig balik-trabaho (Pagkatapos ng Commissioner’s Cup)

SANDALI lang ang magiging selebrasyon ng San Mig Super Coffee pagkatapos na magkampeon ito sa katatapos na PBA Commissioner’s Cup. Ito’y dahil sasabak muli sa aksyon ang Super Coffee Mixers sa Governors’ Cup kontra Barako Bull sa Mayo 21. Tatangkain ng tropa ni coach Tim Cone na idepensa ang kanilang titulo sa huling torneo ng PBA ngayong ika-39 na season …

Read More »

Gerald Anderson lalaro sa Filoil Tourney

KINOMPIRMA ng head coach ng Holy Trinity University ng General Santos City na si Pol Torrijos na lalaro sa kanyang koponan ang aktor na si Gerald Anderson sa susunod na laro ng Wildcats kontra University of the Philippines sa Filoil Flying V Pre-Season Premiere Cup sa Sabado, Mayo 17, sa The Arena sa San Juan. Ayon kay Torrijos, dating manlalaro …

Read More »

May panibagong misyon ang San Mig

HINDI maitatago ang katotohang pagod na ang Mixers ng San Mig Coffee. Subalit isinaisang-tabi nila ito at nagpamalas sila ng kakaibang tikas upang talunin ang powerhouse Talk N Text , 3-1 at maibulsa ang ikalawang diyamante ng Triple Crown sa 39th season ng Philippine Basketball Association (PBA). Nakabawi ang Mixers sa masagwang simula upang talunin ang Tropang Texters sa series …

Read More »

Hopeful stakes race sisimulan na

Sisimalan na ngayong hapon sa pista ng Metro Turf ang unang leg ng 2014 PHILRACOM “Hopeful Stakes Race” na kinabibilangan ng mga kabayong sina Castle Cat, Heart Of A Bull, Hello Patrick, Hermosa Street, Hidden Moment, Jazz Moment, Love Na Love, Lucky Leonor, Malaya, Marinx, The Lady Wins, Up And Away, Wild Talk at Wo Wo Duck. Sila ay maglalaban …

Read More »

Pacquiao ihahanda ang coaching staff ng Kia

DESIDIDO ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na magtatag ng malakas na koponang Kia Motors para sa unang pagsabak nito sa Philippine Basketball Association sa susunod na season. Ayon sa isang source na malapit kay Pacquiao, kukunin niya sina Glenn Capacio at Ariel Vanguardia bilang mga assistant coaches samantalang ang business manager ng boksingero na si Eric Pineda ay …

Read More »

2 suntukan nangyari sa PBA tune-up

INAASAHANG parurusahan ni PBA Commissioner Chito Salud ang mga manlalarong sangkot sa dalawang hiwalay na suntukang nangyari noong Martes sa dalawang tune-up na laro bilang paghahanda para sa Governors’ Cup na magsisimula sa susunod na linggo. Unang nagkasuntukan sina Junmar Fajardo ng San Miguel Beer at Jondan Salvador ng Globalport sa laro ng dalawang koponan sa Acropolis Gym sa Libis, …

Read More »

Pag-insulto kay Adeogun iimbestigahan

SINIGURADO kahapon ng pamunuan ng Filoil Flying V Sports na iimbestigahan nito ang pag-iinsulto ni Paul Pamulaklakin ng Lyceum of the Philippines University kay Ola Adeogun ng San Beda College sa isang laro ng Premiere Cup noong Sabado. Sa isang press statement, sinabi ni John de Castro, isang opisyal ng Filoil Flying V Sports, na kahit walang reklamong inihain ang …

Read More »

PacMan malabong makalaro sa Kia

HANGGANG ngayon ay marami pa rin ang nagtatanong kung totoo ngang magiging playing coach si Manny Pacquiao ng Kia, isa sa tatlong bagong kompanyang tinanggap bilang miyembro ng Philippine Basketball Association (PBA). Well, puwede! Sure si Congressman Pacquiao kung ang posisyong iaalok at tatanggapin niya ay coach. Wala naman kasing restriction doon, e. Hindi ba’t congressman din naman si Rain …

Read More »

San Mig balak tapusin ang TNT

PIPILITIN ng San Mig Coffee na tapusin na ang serye at mapanalunan ang ikatlong sunod na titulo sa pagkikita nila ng Talk  N Text sa Game Four ng best-of-five championship series ng PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup mamayang 8 pm sa Philsports Arena sa Pasig City. Nakalamang ang Mixers sa serye, 2-1 matapos na magwagi sa game three, 77-75 …

Read More »

Pag-naturalize kay Blatche hinarang ni Jinggoy

AYAW ni Sen. Jinggoy Estrada na maging naturalized na manlalaro ng Gilas Pilipinas ang sentro ng Brooklyn Nets na si Andray Blatche. Sa hearing ng Senado tungkol sa kaso ni Blatche noong isang araw, sinabi ni Estrada na wala pang napapatunayan si Blatche sa basketball kaya dapat huwag na itong bigyan ng papeles bilang Pinoy. Kinontra ni Sen. Sonny Angara …

Read More »

Asi Best Player of The Conference sana

SURE shot  si Paul Asi Taulava bilang Best Player of the Conference kung pumasok sa Finals ng PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup ang Air21. Kaso mo’y dadaan siya sa butas ng karayom para talunin ang mga tulad nina Jayson Castro at Ranidel de Ocampo para sa karangalang nakataya sa katapusan ng isang  torneo. Malaki ang bentahe nina Castro at …

Read More »

So kasalo sa unahan

PUMITAS ng kalahating puntos si Pinoy super grandmaster Wesley So upang makisalo sa top spot ng 49th Capablanca Memorial 2014 sa Havana, Cuba kamakalawa ng gabi. Hanggang 85 moves ng Sicilian, Taimanov variation ang tinagal ng laro ni seed No. 3 So (elo 2731) kay No. 2 seed GM Vassily Ivanchuk (elo 2753) ng Ukraine upang ilista ng una ang …

Read More »