Thursday , June 4 2026

Purefoods vs Alaska

NANINIWALA si Purefoods Star coach Tim Cone na kaya  ng kanyang koponan na mamayagpag at idepensa ang korona sa PBA Philippine Cup kahit na pinanatili niyang intact ang line-up ng kanyang koponan.

Ito’y ipakikita nila sa duwelo nila ng Alaska Milk mamayang 7 pm sa Smart Araneta coliseum sa Quezon City.

Magpupugay naman sina coach Norman Black at Koy Banal sa kanilang bagong koponan sa 4;15 pm laban ng Meralco Bolts at Barako Bull.

Minabuti ni Cone na huwag galawin ang line-up ng Purefoods Star (dating San Mig Coffee) dahil naniniwala siyang bubuti pa ang kanyang mga manlalaro.

Pangunahing inaasahan niyang gaganda ang laro ay si James Yap, ang two-time Most Valuable Player na nangapa noong nakaraang season bunga ng injuries.

Makakatuwang ni Yap sina  Marc Pingris, Peter June Simon, Mark Barroca at Joe DeVance.

Ang Alaska Milk, na hawak ni coach Alex Compton, ay may tatlong bagong manlalaro sa katauhan ng beteranong si Eric Menk at mga rookies na sina Chris Banchero at Rome dela Rosa.

Ang Aces ay pamumunuan nina Calvin Abueva, Cyrus Baguio, Joaquim Thoss, JVee Casio at Dondon Hontiveros.

Pinalitan ni Black bilang coach ng Bolts si  Paul Ryan Gregorio na ngayon ay alternate governor ng team.

Si Black ay sasandig sa mga beterano ng Asian Games na sina Gary David at Jared Dillinger na susuportahan nina  Reynell Hugnatan, Mike Cortez, Sean Anthony at Cliff Hodge.

Pinalitan naman ni Banal bilang head coach ng Energy si Siot Tanquingcen isang araw bago nagbukas ang 40th season ng PBA.

Kinuha ng  Energy  ang mga rookies na sina Jake Pascual at Phillip Paredes at pagkatapos ay kinuha rin sina RR Paredes buhat sa Globalport at Chico Lanete buhat sa San Miguel Beer.

Nagbabalik sa Barako Bull sina Mick Pennisi, Dennis Miranda, JC Intal at Carlo Lastimosa.

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …