Friday , December 5 2025

Sports

Alaska vs Meralco

TARGET ng Alaska Milk at Meralco ang ikatlong sunod na panalo sa kanilang pagkikita sa PBA Philippine Cup mamayang 4:15 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Sa ikalawang laro sa ganap na 7 pm ay pipilitin ng defending champion Purefood Star na makapasok na sa win-column sa kanilang pagtutuos ng Globalport. Kapwa may 2-0 records ang Aces at …

Read More »

Bulls sinuwag ang Knicks

NAGPAKITANG-GILAS agad sina star players Derrick Rose at Pau Gasol para suwagin ng Chicago Bulls ang New York Knicks, 104-80 kahapon sa 2014-15 National Basketball Association, (NBA) regular season. Tumipa ang bagong miyembro ng Chicago na si Gasol ng 21 points at 11 rebounds habang may 13 puntos at limang assists si former NBA MVP Rose upang hiyain ang Knicks …

Read More »

Sobrang galit kay Dunoy

Nitong nakaraang Linggo sa pista ng Sta. Ana Park ay maraming klasmeyts natin ang nagbigay ng reaksiyon sa nagawang pagdadala ng hineteng si Dunoy Raquel Jr. sakay ng kabayong si Jazz Bestvibration. Sa largahan ay hindi na kaagad nila nagustuhan ang pagpasalida kay Jazz Bestvibration dahil kulelat. Pero mas hindi nila nagustuhan ang dalawa pang sumunod na eksena. Ang una …

Read More »

Karera tips ni Macho

RACE 1 5 DAMONG LIGAW 4 YES POGI 1 SPEED MAKER RACE 2 6 IMCOMING IMCOMING 4 PRINCESS ELLA 1 BUNGANGERA RACE 3 3 MINOCUTTER 2 HEAT 5 KADAYAWAN RACE 4 2 BEAUTIFUL BOSS 9 LUCKY JOE LUCKY 6 MONTE NAPOLEONE RACE 5 4 PENNY PERFECT 8 MY HERMES 1 HONOUR CLASS RACE 6 4 IK HOU VAN JOU 2 …

Read More »

Sibakan sa Barako

PAGKATAPOS ni coach Siot Tanquingcen na pinalitan ni Koy Banal, ilan ding mga opisyal ng Barako Bull ay sinibak din sa kani-kanilang mga puwesto dahil sa hindi malamang dahilan. Ayon sa ulat ng www.spin.ph, tinanggal na sa Energy sina team manager Raffy Casyao, alternate governor Eric Noora, assistant team manager Jay Llanos Dee at Paul Chua ng team operations na …

Read More »

Meralco mananatili sa V League

KAHIT limang sunod na pagkatalo ang nalasap ng Meralco sa ginaganap na Shakey’s V League Third Conference, desidido pa rin ang Power Spikers na ipagpatuloy ang kanilang paglalaro sa liga. Ito’y sinigurado ng head coach nilang si Brian Esquivel nang naging panauhin ang kanyang koponan sa lingguhang forum ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa Shakey’s Malate noong isang araw. “Two …

Read More »

Belo pinag-aagawan ng 2 koponan

NAHAHARAP sa isang malaking problema ang forward ng Far Eastern University na si Mac Belo. Nagbanta ang head coach ng Tanduay Light Rhum na si Lawrence Chiongson na ihahabla niya si Belo sa korte sa kasong breach of contract dahil may kontrata pa ang huli sa Rhum Masters para sa PBA D League Foundation Cup. Kasama si Belo sa lineup …

Read More »

Amer, Adeogun excited sa Hapee

PAGKATAPOS ng kanilang kampanya sa NCAA kung saan nagkampeon ang kanilang kolehiyong San Beda, handa na ang dalawang Red Lions na sina Ola Adeogun at Baser Amer sa kanilang bagong hamon sa PBA D League para sa Hapee Toothpaste. Silang dalawa ay kasama sa anim na manlalaro mula sa SBC na inaasahang bibigyan ng lakas para sa Fresh Fighters sa …

Read More »

QC FilAm Criterium Race tagumpay

NAGING matagumpay ang ikatlong edisyon ng FilAm Criterium Grand Prix, na dumagundong sa pinakamalaking rotonda ng bansang Quezon Memorial Circle, Elliptical Road, Lungsod Quezon, na isinaayos ng dating national cyclist at Fil-Am na ngayong si Wilson Blas at katropa nito sa Estados Unidos, kasama ang United Cyclists Association of the Philippines ( UCAP ) ni prexy Ricky Cruz at WESCOR …

Read More »

TATNK nagkaroon ng mini eye ball

  ANG opisyales at miyembro ng TATNK na nagkaroon ng pulong sa Facundos OTB and Caferia sa West Point Cubao. NITONG october 25 (Saturday) ay nagkaroon ng munting salu-salo ang TATNK (Tayo Tunay na Karerista) sa Facundos OTB and Caferia sa West Point Cubao na may temang Mini Eye Ball bilang preparasyon sa isang Grand Eye Ball. Ang salu-salo ng …

Read More »

Goodbye San Beda Welcome NLEX

ni Tracy Cabrera MATAGUMPAY na inihatid ni coach Boyet Fernandez and San Beda Red Lions para sa ikalimang kampeonato sa prestihiyosong National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament, sa kabila nang pamamaalam sa kanyang mga alaga para bumalik sa Philippine Basketball Association (PBA). “May kompiyansa ako na kung sinuman ang kanilang magiging coach, tiyak na susungkitin nila ang ikaanim …

Read More »

Ginebra kontra NLEX

IPAGPAPATULOY ng Barangay Ginebra ang pananalasa at susungkitin ang ikatlong sunod na panalo kontra NLEX sa kanilang pagkikita sa PBA Philippine Cup mamayang 7 pm sa Smart Arantea Coliseum sa Quezon City. Ikalawang panalo naman sa tatlong laro ang pakay ng Rain or Shine at Kia Sorentos na magtutuos sa ganap na 4:15 pm. Pambato ng Gin Kings ang twin …

Read More »

So haharapin si Carlsen

NAABOT ni super grandmaster Wesley So ang asam na makasampa sa Top Ten sa FIDE world ranking bago matapos ang taong 2014 at maaari pa siyang umangat dahil may dalawang buwan pa bago matapos ang nasabing taon. Subalit bukod sa mapanatili ang kanyang No. 10 ay may pinaghahandaan si So ito ay ang pinakamalakas na tournament na sasalihan niya sapul …

Read More »

Globalport palaging nakaamba ang pagpapalit ng coach

HINDI masisisi si Globalport team owner Mikee Romero kung isipin niyang magpalit ng coach sa umpisa ng PBA Philippine Cup. Ito ay matapos na matalo ang Batang Pier sa NLEX, 101-96 sa kanilang unang laro. Mangyari ay lumamang ang Globalport ng sampung puntos sa third quarter subalit hindi napigilan ang comeback ng Road Warriors at tuluyan ngang yumuko. Bunga nito …

Read More »

Karera tips ni Macho  

RACE 1 5 HOOK SHOT 4 ICON 1 PUSANG GALA RACE 2 3 CRUIZE CONTROL 5 MANILA’S GEM 2 AMAZON RACE 3 11 THINK TWICE 4 WO WO DUCK 8 GREAT CARE RACE 4 1 COTERMINOUS 6 SPRING SINGER 3 TISAY RACE 5 2 NIAGARA BOOGIE 4 TABELLE 7 OH SO DISCREET RACE 6 4 APRIL STYLE 6 CLASSICAL BID …

Read More »

UCAP WESCOR Quezon Cty FIL AM Criterium Grand Prix

INIHUDYAT ni United Cyclists Association of the Philippines (UCAP) president Ricky Cruz ang starting flag (kanan) na inasistehan ni UCAP officer Manding Bautista (sa likuran) ang pag arangkada ng Quezon Cty FIL AM Criterium Grand Prix kung saan maglalaban sa mga kategoriyang, Pro am, Women’s, Juniors, Master 30 +40+ 55 at ang special race moutain bike at folding bike na …

Read More »

TnT vs Alaska sa Araneta

HIHIRIT ng ikalawang sunod na panalo ang Alaska Milk at Meralco kontra magkahiwalay na kalaban sa PBA Philippine Cup mamaya sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Makakasagupa ng Aces ang Talk N Text sa ganap na 7 pm matapos ang 4:15 bakbakan ng Bolts at Blackwater Elite. Tinambakan ng Alaska Milk ang defending champion Purefoods Star, 93-73 noong Biyernes …

Read More »

Cone problemado sa Purefoods

PAGKATAPOS na makamit ang Grand Slam noong huling PBA season, unti-unting nararamdaman ng Purefoods Star Hotdog ang kahirapang makipagsabayan sa kompetisyon. Ito’y tahasang pag-aamin ni coach Tim Cone pagkatapos na matalo uli ang Hotshots, 87-80, kontra San Miguel Beer noong Linggo. Dalawang sunod na pagkatalo na ang nalasap ng dating San Mig Coffee Mixers na naunang tinambakan ng Alaska, 93-73. …

Read More »

Calacday rumatrat sa Thailand Jr Chess

TINARAK ni Pinoy woodpusher James Calacday ang back-to-back wins matapos kaldagin si Jaturapak Suwandeelerd sa sixth at penultimate round ng 9th Thailand Junior Chess Championship 2014-Open U 8 sa Pantip Hall, 3rd floor, Pantip Plaza Chiang Mai, Chiang Mai Province kahapon. Inupuan ni 7-year old Calacday ang solo second spot matapos ilista ang five points mula sa limang panalo at …

Read More »

Ang opisyal na tugon ng PHILRACOM

SA pamamagitan ng ating kolum na Kurot Sundot,  nais nating pasalamatan ang Philippine Racing Commission sa pumumuno ng butihing Chairman Angel L. Castano Jr.  sa pagbibigay-pansin sa inihahain nating puna, suhestiyon at problema ng ating  ”Bayang Karerista” na may kaugnayan sa karera sa ating bansa. Narito po ang tugon ng komisyon: MR. ALEX L. CRUZ Columnist/ Hataw Sports Editor KUROT …

Read More »

Bulldogs inaasinta ang 78th UAAP Season

SARIWA at ninanamnam pa ng national University Bulldogs ang nakamit nilang kampeonato sa katatapos na 77th NCAA basketball tournament pero nakatuon na rin sila agad para sa back-to-back tiltles. Malaki ang tiwala ni team owner Hans Sy na madedepensahan nila ang kanilang titulo sa men’s basketball sa 78th edition ng UAAP, nilahad niya ito sa victory party ng NU Bulldogs …

Read More »

Coach Cone sikat din sa Amerika

NAGING bida ang head coach ng Purefoods Star Hotdog na si Tim Cone sa isang artikulong inilabas ng isang sports website sa Amerika tungkol sa kanyang pagiging hasa sa triangle offense. Sa nasabing artikulo, sinabi nina Mike Prada at Doug Eberhardt ng SBNation na si Cone ay ang “world’s foremost apostle” ng triangle offense na una niyang ginamit sa Alaska …

Read More »