Thursday , November 21 2024

Sports

Slaughter angat sa Rookie camp

NANGUNA si Greg Slaughter sa mga skills tests na ginawa sa PBA Rookie Camp kahapon sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong. Hawak ni Slaughter ang pinakamataas na talon sa vertical leap at siya ang may hawak sa pinakamabigat na timbang sa bench press. Bukod dito, siya ang pinakamataas sa kanyang 6-11 5/8 at siya rin ay may pinakamahabang wingspan sa …

Read More »

Isa pang LASTIMOSA papasok sa PBA

SISIKAPIN ng isa sa mga PBA Rookie draftees na si Carlo Lastimosa na sundan ang yapak ng kanyang tiyuhing si Jojo sa pagiging superstar ng PBA balang araw. Kahapon ay napasabak si Carlo sa ilang mga drills para sa mga draftees na ginanap sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong. Ayon sa kanyang amang si Danny, desidido na si Carlo na …

Read More »

San Sebastian vs Perpetual

IKATLONG puwesto at pag-iwas sa maagang engkwentro kontra three-time defending champion San Beda College ang paglalabanan ng San Sebastian Stags at Perpetual Help Altas  sa isang playoff sa 89th National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament mamayang 4 pm sa The Arena sa San Juan. Ang Stags at Altas ay kapwa nagtapos na may 11-7 record sa ikatlong puwesto …

Read More »

Batak sa laban si Fajardo

MALAKING bagay talaga ang pangyayaring naging miyembro ng Gilas Pilipinas si June Mar Fajardo! Nahasa siya nang husto sa national team. Hindi lang siya ang naitokang makipagbanggaan kay Marcus Douthit sa practices. Kahit paano’y nadagdagan ang kanyang karanasan sa pakikipagsalpukan sa mga malalaking nakatagpo buhat sa iba’t ibang koponan kahit pa hindi naman mahaba ang kanyang naging playing time. Ang …

Read More »

Low profile impresibo

Pinatunayan ng hineteng si Mark Angelo Alvarez at kabayong si Low Profile na talunan na nila ang grupong kanilang nakalaban mula nung una silang magkaharap sa trial race hanggang sa aktuwal na PCSO Maiden Race nitong nagdaang Sabado sa pista ng SLLP. Lumabas na halos banderang tapos ang kanilang nagawang panalo at nakapagtala pa agad ng impresibong tiyempo na 1:27.4 …

Read More »

Mayor Abalos bantulot sa Cujuangco Cup

Hanggang ngayon bantulot pa ang kampo ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos kung ilalaban si Hagdang Bato sa darating na Ambasador Eduardo “Danding” M. Cojuangco Jr. Cup na gaganapin sa Metro Manila Turf Club (MMTC) sa Malvar,Batangas. Pero tiniyak ng alkalde na itatakbo niya sa 2013 Presidential Gold Cup si Hagdang Bato  na gaganapin sa bakuran ng Santa Ana Park, …

Read More »

Game Seven Do-or-Die

LAHAT ng puwedeng ibato ay ibabato na ng Petron Blaze at SanMig Coffee sa kanilang huling pagtutuos sa PLDT Telpad PBA Governors Cup finals mamayang 8 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Nabigo ang SanMig Coffee na wakasan ang serye noong Miyerkoles nang magtagumpay ang Petron, 98-88 upang mapuwersa ang winner-take-all Game Seven. Kung magwawagi mamaya ang Petron …

Read More »

Bradley isusunod ni Pacman (Pagkatapos ni Rios)

MUST-WIN si Manny Pacquiao sa magiging laban niya kay Brandon Rios sa November para muling makatuntong sa pedestal ng boxing. Ayon sa ilang kritiko ng boksing,  mas gutom na boksingero ngayon si Pacquiao sa nangyaring dalawang sunod na pagkatalo kina  Timothy Bradley at Juan Manuel Marquez. Tulad ng isang gladiator na nasusugatan, mas lalong naghahangad ang dating hari ng pound-for-pound …

Read More »

PBA board magpupulong sa Australia

\AALIS bukas ang lahat ng  miyembro ng PBA Board of Governors patungong Sydney, Australia, para sa dalawang araw na planning session doon mula Linggo hanggang Lunes. Pakay ng lupon ang pag-usapan ang ilang mga bagay tungkol sa bagong season ng liga at ang pagtulong nito sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup sa Espanya mula Agosto 30 hanggang …

Read More »

Forecast ni De Vance

MAGDILANG-ANGHEL kaya si Joe Calvin de Vance? Kasi’y nagmistulang manghuhula o kaya’y nangangarap ng gising itong si DeVance sa pre-Finals press conference na ginanap para sa PLDT telpad PBA Governors Cup best-of-seven championship series sa pagitan ng SanMig Coffee at Petron Blaze dalawang araw bago ang Game One. Ani DeVance ay aabot sa Game Seven ang serye. Sa huling dalawang …

Read More »

Grand Sprint Championship malapit na

Balik ang pakarera ngayon sa pista ng Sta. Ana Park (SAP) at paniguradong daragsa ang mga BKs sa mga OTB para sa inaabangan na carry over sa WTA event na nagkakahalaga ng mahigit sa P1.5M, kaya maagang bumili ng programa at gamit sa pagrebyu. Sa mga programa simula kahapon ay hindi pa nga nalalargahan ang tampok na pakarera ng Klub …

Read More »

Gab inutil kontra Bookies

Maraming panahon na ang nagdaan at nagpapalit-palit ang opisyal ng Games and Amusements Board (GAB) subalit nagmistula lamang dekorasyon ang naturang tanggapan. Ang GAB ang isa sa may kapangyarihan na sumupil at dumurog sa lahat ng kabuktutan at kalaban ng gobyerno lalo pa kung ang nakasalalay dito ay ang reputasyon ng sport. Sa industriya ng karera malaki ang misyon ng …

Read More »

Kerby pinalakas ang MERALCO — Antonio

NANINIWALA ang team manager ng Meralco na si Severino “Butch” Antonio na magiging mas malakas ang Bolts sa darating na PBA Philippine Cup dahil sa pagdagdag ni Kerby Raymundo sa lineup nito. Sa panayam sa radyo noong isang gabi, sinabi ni Antonio na ang pagdagdag kay Raymundo ay makakatulong sa ilalim ng Meralco. Pinakawalan ng Bolts si Jay-R Reyes sa …

Read More »

Kompetisyon sa PBA D League magiging matindi — Isaac

NANINIWALA ang head coach ng Blackwater Sports na si Leo Isaac na mas balanse na ang kompetisyon sa PBA D League sa pagsisimula ng Aspirants’ Cup  bukas sa Ynares Sports Arena sa Lungsod ng Pasig. Kagagaling lang ng Elite sa pagkampeon sa huling torneo ng liga, ang Foundation Cup, noong Hunyo, kung saan tinalo nila ang pinakamalakas na koponang North …

Read More »

Castro itutuloy ang programa ng Gilas

MALAKI ang kompiyansa ng dating team manager ng Gilas Pilipinas na si Butch Antonio sa kanyang kapalit na si Salvador “Aboy” Castro. Hinirang si Castro sa kanyang bagong trabaho bilang bahagi ng pagbalasa ng mga team managers na hawak ng MVP Group. Inilipat naman si Antonio sa MVP Sports Foundation ngunit mananatili pa rin siya sa Meralco bilang team manager. …

Read More »

Ornamental freshwater fish hobbyists papayuhan ng OFBEAP members

Ang ornamental freshwater fish hobbyists ay sinisiguradong makakakuha ng  best value for money sa kanilang pagbili ng fish items at aquarium accessories sa mga tindahan sa loob ng Las Farolas fish world sa Frontera Drive katabi ng Tiendesitas sa Ortigas Ave., Pasig City.  Ito’y dahil ang mga tindahan ay pinatatakbo ng founding members ng Ornamental Freshwater Fish Breedes and Exporters …

Read More »

Skyway inaabangan na

Umpisang pakarera para sa samahan ng “Klub Don Juan de Manila” (KDJM) ngayong gabi sa pista ng Metro Turf, kaya paniguradong masaya at magaganda ang bentahan sa walong karerang lalargahan. Pero sampol pa lang ang magaganap na iyan dahil sa darating na araw ng Linggo ay naroon ang kanilang pinakatampok na pakarera. Kaya maagang magtungo sa paborito ninyong OTB upang …

Read More »

PBA D League tuloy na sa Huwebes

LALARGA na ang bagong season ng PBA D League sa pagbubukas ng Aspirants Cup sa Huwebes, Oktubre 24, sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. Sa 14 na koponang kasali sa torneo, lima rito ay mga baguhan at halos lahat sila ay may tie-up sa ibang mga paaralan tulad ng Banco de Oro (National University), Derulo Accelero Oilers (University of …

Read More »

PBA draftees nais ni Uichico para sa sea games

UMAASA si national coach Jong Uichico na papayagan ng PBA ang mga rookie draftees na sina RR Garcia, Terrence Romeo at Raymond Almazan na maglaro para sa pambansang koponan na sasabak sa Southeast Asian Games sa Myanmar sa Disyembre. Mag-uusap ang PBA at ang Samahang Basketbol ng Pilipinas tungkol dito pagkatapos ng PBA Rookie Draft sa Nobyembre 3 kung saan …

Read More »

Rodriguez pumirma ng bagong kontrata

MULING maglalaro si Larry Rodriguez para sa Rain or Shine sa susunod na tatlong taon. Pumirma na si Rodriguez ng bagong kontrata sa Elasto Painters, ayon sa kanyang manager na si Danny Espiritu. Mas malaki sa dati niyang suweldong P200,000 buwan-buwan ang magiging bayad ng Painters kay Rodriguez. Samantala, nagpupulong ngayon sina Espiritu at ang pamunuan ng ROS tungkol sa …

Read More »

Tagaytay-Phils nagtala ng 4-0 win (Asian Cities Chess)

TAGAYTAY CITY—Malakas na binuksan ng koponan ng Tagaytay-Philippines ang kanilang kampanya sa 2013 Asian Cities Chess Team Championship na mas kilala sa tawag na Dubai Cup nang kanilang itarak ang 4-0 victory kontra sa tenth seed Erdenet, Mongolia dito sa Tagaytay International Convention Center nitong  Linggo. Giniba nina Grandmasters Oliver Barbosa, Mark Paragua, John Paul Gomez at Darwin Laylo ang …

Read More »

Skyway, Mr.Bond wagi sa 4th leg Juvenile Stakes Race

Naging kapanapanabik ang huling yugto ng Juvenile Fillies at Colts Stakes race na pakarera ng Philippine Racing Commission sa tagpong naganap sa bakuran ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite noong Linggo. Muling pinasaya ni Hermie Esguerra ang kanyang mga tagahanga ng magwagi ang kanyang alagang si Mr. Bond matapos biguin ang mga kalaban sa  katatapos na 4th Leg …

Read More »

SanMig itatabla ang serye

PUNTIRYA ng Petron Blaze ang 3-1 kalamangan kontra SanMig Coffee sa kanlang salpukan sa Game Four ng PLDT Telpad PBA Governors Cup best-of-seven championship series mamayang 8 m sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Kahit na hindi nakapaglaro ang lead point guard na si Alex Cabagnot ay dinurog ng Boosters ang Mixers, 90-68 para sa 2-1 bentahe sa …

Read More »

Sangalang nagpalista na sa PBA draft

ISINUMITE na kahapon ni Ian Sangalang ang kanyang aplikasyon para sa 2013 PBA Rookie Draft na gagawin sa Robinson’s Place Manila sa Nobyembre 3. Dumalo si Sangalang sa opisina ng PBA sa Libis, Lungsod ng Quezon, upang dalhin ang kanyang aplikasyon kasama ang kanyang manager na si Atty. Charlie Chua. Dating manlalaro ng San Sebastian sa NCAA at NLEX ng …

Read More »

Rios gigibain si PacMan

NANINIWALA si trainer Robert Garcia na iba nang Manny Pacquiao ang makakaharap ng kanyang iniensayong si Brandon Rios kumpara noong limang taon na ang nakararaan. Ang paghahambing ay ipinahayag sa Media ni Garcia na tumayong trainer ni Antonio Margarito noong Nov. 23 sa Macau nang bugbugin ni Pacman si Margarito para mapanalunan ang WBC junior middleweight. At pagkatapos  ng labang …

Read More »