Wainwright assistant ni Pacquiao
ISA si dating PBA player Rob Wainwright sa mga magiging assistant coaches ni Manny Pacquiao kapag sumabak na ang huli bilang head coach ng expansion team na Kia Motors sa PBA.
Naglaro si Wainwright para sa Sta. Lucia, Coca-Cola, Shell at Rain or Shine sa PBA pagkatapos na sumabak siya sa Cebu Gems ng Metropolitan Basketball Association.
Nang nagretiro siya ay naging assistant coach siya ng Philippine Patriots ng ASEAN Basketball League.
βAs of now, Iβm helping the team out,β ayon kay Wainwright sa panayam ng InterAksyon.com. βWhatever happens in the future, weβll see.β
Bukod kay Wainwright ay kasama rin bilang assistant coach ni Pacquiao si Chito Victolero na dati ring manlalaro ng PBA at nagsilbi dati bilang head coach ng Mapua sa NCAA.
(James Ty III)
