POSIBLENG makaharap ni Genesis “Azukal” Servania si WBO superbantamweight champion Guillermo Rigondeaux ngayong taong ito kung tatalunin niya ang taga-Venezuela na si Alexander “El Explosivo” Munoz sa main event ng Pinoy Pride XXIV: The Future is Now sa Sabado, Marso 1, sa Solaire Resort and Casino sa Paranaque. Ito ang iginiit ng bise-presidente ng operations at events ng ALA Promotions …
Read More »May-ari ng Blackwater haharap kay Salud ngayon
HAHARAP ngayon ang may-ari ng Ever Bilena Cosmetics na si Dioceldo Sy kay PBA Commissioner Chito Salud at ang tserman ng PBA board na si Ramon Segismundo tungkol sa plano ng Blackwater Sports na maging bagong koponang kasali sa liga. Layunin ng pulong na determinahan kung kaya ba ni Sy na gumastos ng malaki para magtayo ng koponan sa PBA. …
Read More »Hataw si Marc Pingris
GAME na game talaga si Marc Pingris! Ito’y kitang-kita sa kanyang performance sa Game Five ng Finals sa pagitan ng San Mig Coffee at Rain Or Shine noong Linggo kung saan gumawa siya ng 18 puntos. Sayang nga lang at natalo ang Mixers, 81-74 at nabigong tapusin na ang serye. Habang sinusulat ang kolum na ito ay inilalaro ang Game …
Read More »Naisahan na naman ni Mayweather ang kanyang mga fans
HAYAGAN na ang pambibilog ng ulo nitong si Floyd Mayweather Jr sa kanyang fans maging sa mundo ng boksing. Kungdi ba naman, panay ang “deny” niya na namimili siya ng mga boksingerong makakaharap na inaakala niyang tatalunin niya. Ikanga ng mga kritiko, eksperto at ilang nag-iisip na boxing fans na tuso talaga itong si Floyd dahil sa nagmumukha siyang magaling …
Read More »Tatapusin o hihirit pa?
ITOTODO na ng San Mig Coffee ang paghataw kontra Rain or Shine sa Game Six ng Finals ng PLDT myDSL PBA Philippine Cup mamayang 8 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon Cty. matapos na madiskaril sa layuning tapusin ang serye noong Linggo, ayaw na nina coach Tim Cone at mga bata niya na mabinbin muli ang kanilang selebrasyon. Humirit …
Read More »Gilas may pagasa sa ginto — Carrasco
NANINIWALA ang isang opisyal ng task force ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission para sa Asian Games na malakas ang tsansa ng Gilas Pilipinas na makamit ang gintong medalya sa nalalapit na paligsahan na gagawin mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4 sa Incheon, Korea. Sinabi ni Tom Carrasco na pangulo ng Triathlon Association of the Philippines na sigurado …
Read More »One Bahamas malaki ang panalo
Race-1 : Karamihan ng nakasali ay menos kapag nalalagay sa unang karera, kaya magdagdag o ipagpaliban muna upang makasigurong ligtas. Manalo man ang paborito ay maliit lang ang dibidendo. Kukuha ako base sa mga latest performance, iyan ay sina (9) Richard, (4) Tarlak at (8) Rockhen. Race-2 : Sa umpisa ng unang Pick-5 event ay magtatangka pa para isang panalo …
Read More »Rodgers hahataw sa Ginebra
NAKATAKDANG dumating ngayon ang import ng Barangay Ginebra Gin Kings na si Leon Rodgers na inaasahang makakatulong nang malaki sa hangarin ng Gin Kings na makabawi sa masaklap na kapalarang sinapit nila sa PLDT myDSL PBA Philippine Cup. Si Rodgers, na may sukat na 6-7, ay galing sa impresibong stint sa Jilin Northeast Tigers sa Chinese Basketball League. Sa koponang …
Read More »Sonsona giniba si Shimoda sa 3rd
HINDI binigo ni Pinoy sensation Marvin “Marvelous” Sonsona ang kanyang fans nang patulugin ang dating kampeon ng mundo na si Akifumi Shimoda ng Japan sa 3rd round. Isang matinding uppercut ang tumapos sa hapon na sinaksihan ng “jampacked Venetian crowd” na karamihan ay mga Pinoy. Sa naging panalo ni Sonsona ay nakamit niya ang bakanteng WBO International featherweight title. At …
Read More »Ely Capacio pumanaw na
SUMAKABILANG-BUHAY na ang vice-chairman ng PBA Board of Governors na si Eliezer “Ely” Capacio sa edad na 58. Pumanaw si Capacio sa Asian Hospital sa Muntinlupa pasado hatinggabi kahapon pagkatapos ng anim na oras na operasyon dulot ng kanyang stroke. Iniwan ni Capacio ang kanyang pamilya sa pangunguna ng kanyang kapatid na si Glenn na assistant coach ng Globalport Batang …
Read More »Sangalang umangat ang laro
MATAPOS na malimita sa dalawang utos sa Game One ng best-of-seven chamionship series ng PLDT myDSLPBA Philippine Cup sa pagitan ng San Mig Cofffee at Rain or shine, si Ian Sangalang ay nagpakitang-gilas at nagtala na ng double figures sa scoring mula sa Game Two. Katunayan, si Sangalang ay pinarangalan pa nga bilang Best Player of the game ng Game …
Read More »FEU nakauna sa UAAP Football
NAKAKUHA ng maagang abante ang Far Eastern University sa finals ng men’s football ng UAAP Season 76 pagkatapos na padapain nito ang University of the Philippines, 4-1, sa extra time sa Game 1 ng best-of-three na serye noong isang araw sa FEU-Diliman field sa Quezon City. Nagpasabog ng tatlong goals ang Tamaraws mula kina Joshua Mulero, Harold Alcoresa at Jess …
Read More »Austria may tampo sa SMC
HINDI na kasama si Leo Austria sa coaching staff ng San Miguel Beer para sa PBA Commissioner’s Cup pagkatapos ng maraming pagbabago sa koponan. Kinompirma ni Austria na nakatanggap siya ng tawag mula sa pinuno ng sports department ng San Miguel Corporation na si Robert Non tungkol sa pagkatanggal niya bilang isa sa mga assistant coaches ng Beermen. “Hindi ko …
Read More »Lady Eagles, Lady Falcons pataasan ng lipad
PATAASAN ng lipad ang Ateneo Lady Eagles at Adamson University Lady Falcons sa semifinals step-ladder match ngayong hapon sa nagaganap na 76th UAAP women’s volleyball sa The Arena, San Juan. Maghahatawan sa unang step-ladder ang No. 3 Ateneo at No. 4 Adamson upang harapin ang No. 2 National University Lady Bulldogs na sagpang ang twice-to-beat advantage. Nag-aabang naman ang three-time …
Read More »Cabagnot lalaro sa Cebu
SASABAK sa Cebu ang tatlong koponan ng PBA sa isang pocket tournament bilang paghahanda sa Commissioner’s Cup ng liga na lalarga na sa unang linggo ng Marso. Sasali sa torneo ang Alaska, Talk n Text at Globalport, kasama ang Tagoloan-Natumolan Eagles ng Mindanao sa isang single-round robin elimination. Tatagal ang torneo hanggang sa Linggo. Sasama sa Globalport ang mga bago …
Read More »May natitira pa bang bagsik sa kamao ni Pacman?
ANG isang malaking katanungan ngayon sa mundo ng boksing ay kung may natitira pang bagsik sa kamao ni Manny Pacquiao para magpatulog ng isang kalaban? Ito ang sumisiksik sa utak ng boxing fans sa kasalukuyan pagkatapos ng mahabang apat na taon na walang naipapakitang knockout win si Pacman. Iyon ay pagkatapos na talunin niya si Miguel Cotto noong 2009. Pagkaraan …
Read More »Perderan sa karera iimbestigahan ng PHILRACOM
Kumilos na ang Philippine Racing Commission (Philracom) laban sa mga llamadong kabayo na sadyang ipinatatalo sa laban matapos tumanggap ng reklamo mula sa ilang karerista. Sa takot ng komisyon na mababalewala ang pagsusumikap ng ilang horse owner organizations na mapaganda ang kompetisyon ng karera sa bansa, babantayan na ang galaw ng mga hinete sa ibabaw ng kabayo upang mapigilan ang …
Read More »RoS babawi sa game 4
NABIGO man sa Game Three ay hindi pinanghihinaan ng loob ang Easto Painters ni coach Joseller “Yeng” Guiao na nanggigigil na makabawi sa San Mig Coffee sa Game Four ng PLDT myDSL PBA Philippine Cup best-of-seven championship series mamayang 8 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Matapos na makuha ang Game One, 83-80, ang Rain or Shine ay …
Read More »Meneses pormal nang nagretiro sa PBA
KILALA bilang “The Aerial Voyager”, sa dami ng galaw at talas ng mata sa pagpasa ng bola ang hinangaan sa dating Philippine Basketball Association (PBA) star Vergel Meneses. Maraming magagandang alaala ang inukit sa PBA ng 6-foot-3 shooting forward na si Meneses kaya naman naging idolo rin siya ng mga kabataan. Matapos ang mahabang 16 na taon, pormal nang nagretiro …
Read More »Asam ni Mercado ang kampeonato
PARANG hindi talaga mapirmi sa isang lugar si Solomon Mercado na tila nagiging isang journey man sa Philippine Basketball Association. Sa pagpasok ng PBA Commissioner’s Cup sa susunod na buwan, si Mercado ay lalaro sa kanyang ikaapat na koponan sa pro league. Nagsimula ang career ni Mercado sa Rain or Shine kung saan nagig partner niya ang kaibigang si Gabe …
Read More »FEU, Adamson maghaharap ngayon sa volleyball
ANG huling puwesto sa stepladder semifinals ay nakataya ngayon sa playoff ng Far Eastern University at Adamson University sa women’s volleyball ng UAAP Season 76 sa The Arena sa San Juan. Maghaharap ang Lady Tamaraws at Lady Falcons sa alas-4 ng hapon pagkatapos na magtabla ang dalawang pamantasan sa parehong kartang anim na panalo at walong talo sa pagtatapos ng …
Read More »Miguel Cotto sparring partner ni Pacquiao sa GenSan
GENERAL SANTOS CITY – Kinompirma ni assistant trainer Buboy Fernandez na magiging bahagi ng training camp ni 8-division world champion Manny Pacquiao ang three-division world champion na Miguel Cotto (38-4, 31 KOs). Ayon kay Fernandez, ito ang nabanggit sa kanya ni coach Freddie Roach dahil may nakitang pagkakapareho sa style ni Timothy Bradley si Cotto. Aniya, posibleng kabilang ang Puerto …
Read More »Big Chill vs Blackwater Sports
SIGURADONG maigting ang magiging duwelo ng Blackwater sports at Big Chill sa winner-take-all Game Three ng semifinal round ng PBA D-League Aspirants cup mamayang 3 pm sa The Arena sa San Juan. Nakataya ang ikalawang finals berth sa salpukang ito at ang magwawagi ay makakaharap ng defending champion NLEX Road Warriors sa best-of-three affair. Ang championship series ay magsisimula na …
Read More »Jumbo Plastic kampeon sa 3-on-3
NAGKAMPEON ang Jumbo Plastic Linoleum sa PBA D League Aspirants Cup 3-on-3 sa finals na ginanap noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum bilang pampagana sa finals ng PBA Philippine Cup. Naipasok ni Karl Dehesa ang kanyang isang puntos na lay-up sa huling 48 segundo upang sirain ang huling tabla sa 10-all at maibigay sa Giants ang panalo. Kasama ni Dehesa …
Read More »3YO Colts, nasungkit ni Dixie Gold
Nasungkit nila Dixie Gold at ng kanyang hinete na si Mark Angelo Alvarez ang idinaos na 2014 PHILRACOM “3YO COLTS” nung isang hapon sa pista ng Sta. Ana Park. Sa largahan ay halos magkakasabay na lumabas ng aparato ang anim na magkakalaban, nauna ng bahagya sina Castle Cat at Asikaso dahil nasa gawing loob ang puwesto nila. Pagliko sa unang …
Read More »