Final 12 pinangalanan na

080614 gilas pilipinas fiba

PINANGALANAN na ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes ang kanyang Final 12 na maglalaro sa 2014 FIBA World Cup sa pagtungo nila sa Vitoria, Spain para sa huling yugto ng kanilang preparasyon.

Ang mga maglalaro sa bandila ng Pilipinas para sa world meet ay sina Andray Blatche, Junman Fajardo, Japeth Aguilar, Ranidel de Ocampo, Marc Pingris, Gabe Norwood, Jeff Chan, Gary David, LA Tenorio, Jayson Castro, Jimmy Alapag at Paul Lee.

Makakasagupa ng Gilas Pilipinas sa Group ang malalakas na bansang Croatia, Greece, Argentina, Puerto Rico at Senegal.

โ€œWe are tapping Paul Lee to take Larry Fonacierโ€™s spot and Andray Blatche as our naturalized player for the World Cup. God bless us all #PUSO!โ€ pahayag niย  Gilas coach sa kanyangย  Twitter account @coachot.