BAKANTE sa kasalukuyan ang UFC lightweight championship pagkaraang sumalto sa official weigh-in si ex-champion Charles Oliveira. Dahil doon ay inaasahan na magkakaroon ng tsansa na magkaharap ang tinaguriang ‘Do Bronx’ laban sa No. 4-ranked title contender na si Islam Makhachev ngayong taon. Mangyayari ang labang iyon kung hindi papapel si featherweight champion Alex Volkanovski. Si Oliveira ay patungo sa kasikatan …
Read More »Fabricio Andrade gustong makaharap si Stephen Loman
NAULINIGAN ni Kevin Belingon sa sirkulo ng mixed martial arts na ibig makaharap ni Fabricio Andrade ang kanyang teammate na si Stephen Loman at gusto niya ang tsansa ng kanyang kaibigan kung magkakaroon ng kaganapan ang paghaharap ng dalawang batang bantamweights. Pagkaraang magrehistro ng malaking panalo si Andrade laban kay Kwon Won II, nilapitan niya si Team Lakay head coach …
Read More »Eduard Folayang gusto ng rematch kay Eddie Alvarez
SINABI ni Filipino superstar Eduard Folayang na meron silang ‘unfinished business’ ni Eddie Alvarez kaya nararapat lang na magkaroon sila ng rematch. Ang dalawang mixed martial arts legends ay nagkaharap na sa ONE: Dawn of Heroes na nagwagi si Alvarez via first-round submission sa harap mismo ng Filipino fans nung Agosto 2019. Sa naging laban nila ay parehong nagpakita ng …
Read More »Makhachev vs Oliveira gustong maikasa ni Khabib
HANGAD ni Khabib Nurmagovedov na magkaroon ng realisasyon ang labang Islam Makhachev vs. Charles Oliveira sa Brazil. At naniniwala siya na tatapusin ng una ang huli sa sarili nitong istilong Brazilian jiu-jitsu. Nangangampanya si Nurmagomedov para magkaharap sina Makhachev at Oliviera para sa bakanteng UFC lightweight championship, Tiwala siyang handang dumayo ang kanyang matalik na kaibigan na dumayo sa teritoryo …
Read More »$3M para sa makapagpapatunay na gumagamit ng PEDs si Israel Adesanya
HINAMON ni Israel Adesanya ang mga nag-aakusa sa kanya na patunayan na gumagamit nga siya ng Performance Enhancing Drugs (PEDs) at nakahanda siyang magbigay ng $3 million sa makapagpapatunay nun. Ayon sa UFC middleweight champion na malinis ang kanyang kunsensiya at katawan sa anumang ipinagbabawal na droga. Maging ang USADA ay makakapagpatunay sa isinagawa nilang ranmdom testing na malinis si …
Read More »Rematch ng Conor McGrecor vs Floyd Mayweather tsismis lang
LALABAN muli sa UFC si Conor McGregor sa pagtatapos ng 2022 o sa kaagahan ng 2023 pero hindi si Floyd Mayweather Jr. ang kanyang makakaharap tulad ng kumakalat na alingasngas. Ang paglilinaw na iyon ay nagmula mismo kay UFC president Dana White na ikinibit-balikat lang ang reports na muling maghaharap sina McGregor at Mayweather pagkaraan ng kanilang unang paghaharap noong …
Read More »Conor McGregor babalik sa Octagon
SINABI ni Conor McGregor na nakahanda siyang lumaban muli, na ang kasaysayan niya sa UFC ay hindi pa natatapos. Isa rin sa plano niya ang bumalik sa boxing ring. Matatandaan na natalo siya kay Floyd Mayweather nung 2017 via technical knockout sa 10th round. Ayon sa kanya, ang kanyang pangangatawan ay nasa hustong kondisyon habang nagpeprepara siya sa kanyang pagbabalik sa …
Read More »Alexander Volkanovski dating manlalaro ng Rugby na ngayon ay kampeon sa UFC
GUSTO ni Alexander Volkanovski na matandaan siya bilang isa sa pinakamagaling na featherweight champions sa kasaysayan ng UFC, at nasa tamang daan siya para makamtam ang pangarap. Pagkaraang gibain niya si Max Holloway nang dalawang beses sa loob ng pitong buwan, ang Australiano ay napanatili ang kanyang korona laban sa pangunahing kontender na si Brian Ortega sa UFC 266 nung …
Read More »Morale ni Miado mataas nang lumipat sa Marrok Force
PABORABLE ang resulta para kay Jeremy “The Jaguar” Miado nang lumipat siya sa Marrok Force MMA gym sa Bangkok dahil nagkaroon siya ng matinding pagbabago sa ONE Circle. Ipinakita ng Filipino strawweight sa kanyang ‘bashers’ na kaya niyang talunin muli si Miao Li Tao via second-round technical knockout win sa ONE: NEXTGEN nung Oktubre. “I’m very glad because I was …
Read More »Conor McGregor sasabak sa Octagon sa 2022
NANINIWALA si Conor McGregor na nasa unahan siya ng pila para sa 155-pound title shot sa pagbabalik niya sa Octagon sa late 2022, kahit pa nga ang tinaguriang ‘Notorious’ ay may kartang 1-3 sa lightweight division. Hindi magiging mahirap na pagbigyan ang kanyang kahilingan. Madaling mangyari ang ‘request’ ni McGregor kung hawak pa rin ni Dustin Poirier ang titulo, pero …
Read More »Denice, Drex Zamboanga magbabalik-Pilipinas
MAGBABALIK sa bansa si Filipina ONE Championship Atomweight Denice “Lycan Queen” Zamboanga pagkaraan ng mahaba-haba ring pamamalagi sa Thailand. Mataandaan na lumipad pa-Thailand si Zamboanga bago pa ang COVID-19 lockdowns noong Marso 2020, at nagpasya na mamalagi muna roon kasama ang kanyang nakatatandang kapatid na si Drex at ang kanilang kaibigan na si Fritz Biagtan para masiguro na ang kaniyang …
Read More »UFC’s Usman gustong makaharap sa ring si Canelo
INULIT ni UFC welterweight champion Kamaru Usman ang matindi niyang hamon kay super middleweight boxing champion Canelo Alvarez na magharap sila sa isang boxing match. Sinabi ni Usman sa TMZ Sports nung Huwebes ang kanyang matagal nang asam na makasagupa si Canelo kahit pa nga tutol si UFC President Dana White sa ideya. Ang hamon ng tinaguriang “The Nigerian Nightmare” …
Read More »10th anniversary ng ONE Championship ipagdiriwang sa Disyembre 5
MAGIGING host ang Singapore-based martial arts organization na ONE Championship sa pinakaaabangang 10th anniversary event sa Disyembre 5 na may titulong “ONE X.” Ibinahagi ni company’s Chairman at CEO Chatri Sityodtong ang balita sa naging panayam niya sa beteranong MMA journalist Ariel Helwani sa MMA Hour. Kasama sa inanunsiyo ni Sityodtong ang tatlong matitinding martial arts bouts na hahataw. Ang nakakabiglang …
Read More »Denice “Lycan Queen” Zamboanga niluto sa laban
DESMAYADO si Filipina fighter Denice “Lycan Queen” Zamboanga nang malasap niya ang unang talo bilang professional sa ONE: EMPOWER sa isang balikatang laban na nagtapos sa split decision loss kay “Arle Chan “ Seo Hee Ham sa quarterfinals ng ONE Women’s Atomweight World Grand Prix nung Biyernes sa Singapore Indoor Stadium. “For me, I clearly won the fight,” pahayag ng …
Read More »