Thursday , May 26 2022
Denice Zamboanga, Seo Hee Ham
Denice Zamboanga, Seo Hee Ham

Denice “Lycan Queen” Zamboanga niluto sa laban

DESMAYADO si Filipina fighter Denice “Lycan Queen” Zamboanga  nang malasap niya ang unang talo bilang professional sa ONE:  EMPOWER sa isang balikatang laban na nagtapos sa split decision loss kay “Arle Chan “ Seo Hee Ham sa quarterfinals ng  ONE  Women’s Atomweight World Grand Prix nung Biyernes sa Singapore Indoor Stadium.

“For me, I clearly won the fight,” pahayag ng emosyunal na si  Zamboanga sa post-event press conference. “It’s hard for me to accept the result of this fight. I’m really disappointed.”

Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi itinaas ang kamay ni Zamboanga pagkaraan ng laban.   Ayon sa mga kritiko na nakapanood ng laban, nanakawan din si Zamboanga ng tsansa para sumulong ang laro sa makasaysayang all-female tournament at maganda sanang tsansa para makalaban sa title shot kontra  sa kasalukuyang kampeon na si ONE Women’s Atomweight World Champion “Unstappable”  Angela Lee.

Isang perpektong plano ang isinagaw ni Zamboanga laban kay Ham,   pinupulot niya ang spots para maging isang striking bout ang laban, unang nagsimula sila sa grappling affair.

“I had control for most of the match. I was able to keep up with her striking and was able to negate her power,” sabi ng  24-year-old.

“I wasn’t bothered by the gash because I knew I was winning. Even though I was bloodied by an accidental headbutt, it didn’t matter to me. I was even able to get a takedown in round three and even then, I knew I was winning.”

Pero ang dalawang hurado ay iba ang nakita sa laban ay ibinigay ang laban kay Ham.

About hataw tabloid

Check Also

Tank Davis Mayweather Rolando  Romero

 ‘Tank’ Davis huling laban na si Romero sa ilalim ng Mayweather Promotions

DESIDIDO si Gervonta ‘Tank’ Davis na kumalas na sa Mayweather Promotions pagkatapos ng laban niya …

PCAP Professional Chess Association of the Philippines

Cavite, Caloocan chessers humataw agad sa panimula ng  PCAP online chess tourney

MANILA—Malakas na sinimulan ng Cavite Spartans at Caloocan Loadmanna Knights ang kanilang kampanya matapos magtala …

Philracom Horse Race

2022 PHILRACOM ‘Gran Copa de Manila Cup’ lalarga sa San Lazaro

KINASASABIKAN na ng racing aficionados ang paglarga ng 2022 Gran Copa De Manila na itatakbo …

Chess

Jayag, Molinyawe kampeon sa Marinduque Rapid Chess tourney

PINAGHARIAN nina John Meneses Jayag at Cleiford Kortchnoi Molinyawe ang kani-kanilang dibisyon sa katatapos na …

Ramon Fernandez SEA games

PH squad nirepresenta ni Mon Fernandez  sa Viet SEA Games closing rites

HANOI – Tunay sa kanyang binitawang salita bilang ‘last man standing’,  nagpaiwan si national team …

Leave a Reply