Wednesday , March 29 2023
Fabricio Andrade Stephen Loman

Fabricio Andrade gustong makaharap si Stephen Loman

NAULINIGAN ni Kevin Belingon sa sirkulo ng mixed martial arts na ibig  makaharap ni Fabricio Andrade ang kanyang teammate na si Stephen Loman  at  gusto niya ang tsansa ng kanyang kaibigan kung magkakaroon ng kaganapan ang paghaharap ng dalawang batang bantamweights.

Pagkaraang magrehistro ng malaking panalo si Andrade laban kay Kwon Won II,  nilapitan niya si Team Lakay head coach Mark Sangiao tungkol sa plano niyang makaharap  ang red-hot Filipino.   Sinabi pa ng Brazilian na kung sakali siyang maging ONE Bantamweight World Champion, gusto niyang  makaharap si  Loman sa una niyang title defense.

Nagbabala naman si Belingon kay Andrade na  maghanda ito na tumanggap ng pambubugbog sa kamay ni Loman.

 “I think Stephen can submit him or knock him out,”  pahayag ni  Kevin Belingon tungkol sa hamon ni  Fabricio Andrade sa kanyang  teammate na si  Stephen Loman

Si Loman, No. 4 kontender sa bantamweight division ay hindi pa nakakatikim ng pagkatalo sa ONE Championship.  Ang kanyang debut sa promosyon ay tinatayang pinakamagandang ipinakita niyang laban.

Ang Team Lakay star ay walang naging problema sa #3-ranked na si Yusup Saadulaev sa first round ng kanilang laban sa ONE:  Winter Warriors II nung Disyembre 2021.  Tinapos niya  si Saadulaev  sa pamamagitan ng malutong na kaliwa na tumapos sa Russian brawler.

“I think Stephen is more complete, he can take you down and control and he has power and timing. So if that happens, for me I think Stephen can take him on,” sabi ni  Belingon.

Si Andrade ay isa sa sumisikat sa ONE Championship na nagtala ng limang sunod na panalo na tatlo dun ay via knockout.

“Maybe Andrade just wanted to prove that he’s the best… He says a lot of things but he’s proving it in the Circle. He’s walking the walk. We’ve seen his previous fights, he really performed to the highest level. His timing is impeccable. He’s a great fighter,”  pahayag ni Belingon.

About hataw tabloid

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …