ISANG nagngangalang JOEY ang siyang itinuturo na promotor ng panininira sa magandang pangalan ni Customs Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno. Kung ano-ano kasi ang disinformation campaign na sinasabi laban sa kanya, nakakalungkot lang talaga dahil napakabait ni Depcom Nepomuceno para siraan nitong si alyas Joey na may ugaling manira noon pang nasa kapangyarihan pa siya. Dahil walang naniniwala sa kanya kaya …
Read More »Resbak ni Grace kay ping para kay FPJ?
BILOG talaga ang mundo. Umiikot sa tamang panahon. Sabi nga sa Ingles, “What goes around, comes around.” Sakto raw ngayon ‘yan kay Ping Lacson. Humaba raw kasi ang nguso at biglang nanlaki ang mata ni Ping nang isampal sa mukha niya ang katotohanang hindi siya isinama/kasama sa senatorial line-up ni presidential wannabe Senator Grace Poe. Hindi si Ping dahil si …
Read More »Grupong kontra sa pagmimina mag-aalsa na sa Zambales
MASYADO nang manhid sina Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon Paje Jr., Mines and Geosciences Bureau (MGB) Director Leo Jasareno, Governor Hermogenes Ebdane at iba pang lokal na opisyal ng Zambales sa kalagayan ng mga mamamayan sa bayan ng Sta. Cruz na labis nagdusa sa pagbayo ng bagyong “Lando” kamakailan. Ngunit sa halip na ipatigil ang pagmimina …
Read More »US hindi aatras sa China
IPINAKIKITA na ng bansang Amerika na hindi sila takot at hindi aatras sa China. Mantakin ninyong noong Martes, Oktubre 27, ay naglayag ang guided missile destroyer na USS Lassen na 12 nautical miles lang ang layo sa mga artipisyal na isla na ginawa ng China sa Spratly Islands South China Sea. Maliwanag pa sa sikat ng araw na paghahamon ito …
Read More »DOTC-OTS ano’ng ginagawa laban sa tanim-bala?!
MUKHANG gusto natin maniwala na mayroong ‘sabotaheng’ nagaganap sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na kailangang pagtuunan ng pansin ng mga awtoridad. Sa kabila ng sunod-sunod na insidente ng binansagan na ngayong ‘tanim-bala’ scam sa NAIA ay nakapagtataka ang pananahimik ng Department of Transportation and Communications (DoTC) lalo ng mga itinalaga nilang tao mula sa Office of Transportation Security (OTS). …
Read More »Bad service ng V. Roque Customized Kitchen nakaiirita
AKALA ng isang kaibigan natin, nang kunin niya ang Kitchen One ng V. Roque Corporation, makers daw sila ng customize kitchen at sila umano ay “industry leader and country’s premier manufacturer” ‘e masisiyahan siya at maipagmamalaking tunay ang kahihinatnan ng kanyang kitchen. Pero hindi pala… Imbes matuwa, nakunsumi ang kaibigan natin dahil matapos niyang magbayad nang buo… repeat: FULL PAYMENT …
Read More »‘Wag bumili ng mumurahing pailaw (Masayang Pasko?)
PAGKATAPOS ng pagtitirik ng kandila, malamang magiging abala na ang marami sa pagkakabit naman ng naggagandahang pailaw “Christmas decorative lights” para sa selebrasyon ng Pasko. Katunayan nang pumasok ang buwan ng “ber” marami nang nagkabit ng naggagandahang pailaw sa kani-kanilang bahay lalo na sa mga mall. Setyembre pa lang kasi, Pasko na sa ‘Pinas. Ang saya-saya ano. Lamang, marami pa …
Read More »Kapag dumarating ang All Saint’s Day
NAPAKAHALAGA sa ating mga Filipino ang pagdiriwang ng All Saint’s Day o ang November 1. Kapag dumarating ang Undas, lungkot ang nangingibabaw sa ating puso at damdamin sa pagyao ng mga mahal natin sa buhay, kamag-anak o kaibigan. Alaala ng lumipas ang ating ginugunita sa puntod ng ating mga mahal sa buhay. Ang sabi nga ng matatanda, lahat tayo ay …
Read More »Pulis–Maynila tulisan… sino?
MATAGAL na umanong ilegal na nag-o-operate mga ‘igan, ang dalawang (2) business establishments, na ayon sa aking ‘pipit’ ay pagmamay–ari ng isang ‘mamang’ pulis–maynila. (Ha?) Dagdag ng aking ‘pipit,’ ito ang “Rush Hour Gym” at ang “Benjo’s Resto Bar “ ni Mamang Pulis–Maynila, na no business permit sa New Panaderos St., Sta. Ana, Manila. Pero…naku, walang takot na nakapag-o-operate ang …
Read More »Cabuyao, Laguna walang Solid Waste Management Plan pero nagbayad ng P75.8-M sa hakot ng basura?!
MUNTIK raw mahilo ang Commission on Audit (COA) nang makita ang malaking ginastos ng local government ng Cabuyao, Laguna na halagang P75.8 milyones sa hakot ng basura. Ang kasalukuyang mayor po ng Cabuyao ay si Mayor ISIDRO HEMEDES. Ang halagang P75.8 milyones ay napunta umano sa RC Bella Waste Management & Disposal Services na pag-aari ng isang Rommel Cantera Bella. …
Read More »Seryoso si Miriam maging Presidente
SERYOSO si Senadora Miriam Defensor-Santiago na maging presidente ng Filipinas. Isa siya sa 130 na naghain ng Certificate of Candidacy sa COMELEC para sa pagka-presidente sa halalan sa Mayo 2016. Sa kanyang pagsasalita sa harap ng mga negosyante, sa forum ng Philippine Chambers of Commerce and Industry sa Pasay City, inilahad ni Miriam ang mga dapat gawin ng isang presidente …
Read More »Sundin ang panawagan ni Pope Francis at Tagle, magnanakaw ‘wag iboto!
NOONG Marso, pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang paglulunsad ng isang mabuti at napapanahong adbokasiya laban sa korupsiyon sa pamahalaan. Isa ang pagsusuot ng T-shirt na nakasulat ang malalaking letra ng mga katagang “Huwag Kang Magnakaw” bilang simbolo ng ating hayagang pagtutol laban sa pagnanakaw. Inilunsad ito kasunod ng nabulgar na PDAF scam na kinasangkutan ng mga …
Read More »Gulo kapag tinanggal sina Grace at Binay
KUNG talagang ipipilit na ipakulong si Vice President Jojo Binay at i-dis-qualify naman si Sen. Grace Poe, malamang na sumiklab ang gulo dahil hindi papayag ang libo-libong supporters ng dalawang kandidato na hindi sila makatakbo sa pagkapangulo. Asahang mangyayari ang sunod-su-nod na mga rally at demonstrasyon kung hindi patatakbuhin sina Binay at Poe sa darating na eleksiyon. Alam ng publiko na …
Read More »“Dolyar” na educ trip dapat pakialaman ng DepEd
KAPAG sinabing dolyar, ibig sabihin nito ay mabigat sa bulsa – may kamahalan. Okey lang naman sana kung ang kapalit ng “dolyar” ay sapat. Mayroon kasi, iyong hindi rasonable ang halaga o lugi kang mamimili o magbabayad. Bukod dito, iyon bang obvious na ‘hinoholdap’ ka. Nakasasama ng loob, ‘di ba? ‘E paano naman ang mga front na educational trip na …
Read More »Huwag maging hambog at mayabang
SA MUNDONG ITO, marami ang gustong maging kalabaw ‘pag ang kanilang amo ay nasa mataas na posisyon. Mga patay gutom kung tawagin at cordon sanitaire na ang gusto ay ikandado ang mga boss nila sa publiko. May mga taong ipokrita/ipokrito talaga sa Bureau of Customs lalo na kapag nakadikit kay Comm. Bert Lina. Bukambibig pa… “Nasa poder kami, General nga …
Read More »Opisyal ng Antipolo PNP dagain
THE WHO ang isang “Junior Officer” ng Philippine National Police (PNP) na maraming alagang daga sa dibdib kung kaya’t pinursige niyang malipat sa Antipolo police station. Ayon sa ating alagang Hunyango, bago mapunta sa Antipolo police si Junior Officer, nadestino muna siya sa ibang lalawigan na infested area ng New People’s Army (NPA). Dahil sa ganoong sitwasyon, dito na nabulabog …
Read More »Hagupit ng Ombudsman
Marami ang natutuwa sa ipinakikitang sipag ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa ginagawang serye ng pagsibak sa puwesto ng ilang nagli-lingkod sa gobyerno na kanyang inaprubahan. Kabilang sa nakatikim ng hagupit ng Ombudsman si Chief Superintendent Asher Dolina, hepe ng Eastern Visayas Police, at ang 17 miyembro ng PNP na pawang sinibak sa puwesto. Inalisan sila ng karapatang makapagtrabaho muli …
Read More »Smugglers turn to politics
MALAPIT na naman ang national election, at gaya sa mga nakaraang eleksiyon ay maraming mga opisyal sa customs at mga kilalang mga player/smugglers ang sasabak sa politika. May mga nabigo at nagtagumpay matapos kalimutan ang Customs. Siguro sa kanilang pananaw ay marami silang maitutulong sa kani-kanilang mga bayan upang maibangon sa kahirapan at pagbabago sa kanilang bayan na ang hangarin …
Read More »Ex-Speaker Fuentebella, misis swak sa plunder?!
MUKHANG kalaboso rin ang kasasadlakan ng political career ng mag-asawang Arnulfo Fuentebella at mayor Mayor Evelyn Fuentebella ng Sagay, Camarines Sur. Sinampahan kasi sila ng kasong PLUNDER sa Office of the Ombudsman dahil sa kuwestiyonableng pagkakamal ng P186 milyones. Isang anti-corruption group na ZeroTolerance.org ang naghain ng kaso. Anila, kailangan maharap sa kasong plunder ang mag-asawa dahil sa hindi maipaliwanag …
Read More »Parang may Pacquiao fight pag AlDub day
ALDUB rito, AlDub doon, AlDub kahit saan… Kaya ride narin ako, AlDub narin. Lol!!! Nitong Sabado ng tanghali, habang nasa kasagsagan kami ng aming trabaho, biglang nawala sa kanilang upuan ang mga empleyado ko. Ako nalang ang natira sa working place. May nagsisigawan at nagtatawanan sa kabilang division kungsaan may TV set. Sinilip ko… walanghiya… AlDub time na pala. Tsk …
Read More »Si Bongbong at Trillanes ang maglalaban
Hindi si Sen. Chiz Escudero ang mahigpit na magiging kalaban ni Sen. Bongbong Marcos kundi ang kanyang malapit na kaibigang si Sen. Sonny Trillanes sa pagka-pangalawang pangulo sa darating na halalan. Parehong miyembro ng Nacionalista Party (NP) sina Marcos at Trillanes na kapwa nagpasyang tumakbo bilang vice president sa 2016 elections, kasabay ng apat pang politiko na tatakbo rin sa …
Read More »Private citizen ayaw maging senador si Pacman (Absenero kasi…)
BUKOD sa kulang ang kuwalipikasyon, absenerong mambabatas mula sa Saranggani si Emmanuel “Manny” Pacquiao o mas kilala sa tawag na Pacman. Ayon sa petitioner, kulang na kulang sa kuwalipikasyon si Pacman kung aambisyonin niyang maging isang Senador. ‘Yung kuwalipikasyon, sabi nga ng matatandang politiko, madaling remedyohan ‘yan. Pwedeng kumuha ng magagaling na legal advisers o sulsoltants ‘este’ consultants si Pacman. …
Read More »Ang apat na babae sa buhay ni Chiz (Si Tintin, si Kris, si Heart at si Poe)
RESPETO sa babae at sa mga nakatatanda. Isa ‘yan sa mga sukatan para masabing maginoo ang isang lalaki. Ilang beses na bang nahantad sa publiko ang tila kawalan ng repspeto sa mga babae at nakatatanda ni Chiz?! Maaaring hindi ito sa bruskong paraan, pero makikita ito kung paano niya itrato ang isang babae. Sabi nga, si Chiz ay isang perennial …
Read More »Patay na ang kabayo bago dumating ang damo (Sistemang bulok ng DSWD)
HINDI naman natin sinasabing mahihina o mapupurol ang utak ng mga gabinete ni Pangulong Noynoy, over naman ‘yun ‘di ba? Ang gusto lang natin sabihin, parang tamad na silang mag-isip, lalo na kung pagresolba sa mga batayang problema ng bansa at kung paano epektibong maihahatid ang serbisyo publiko sa batayang masa lalo na sa panahon na sinasalanta ng kalamidad ang …
Read More »‘Bagong Simula sa pagbuhay ng Maynila’ (Pangako ni Ali Atienza…)
TOTOONG pagbabago. Iyan ng nais ng mga Manilenyo. May posibilidad nga bang mangyari ito? Naniniwala ang mga Manilenyo na posible raw ito. Sa anong paraan kaya? Ito ay mangyayari raw at kanilang inaasahan ito kay Ali Atienza. Si Ali nang mag-file ng certificate of candidacy sa Comelec, nais niya’y sikreto lang sana kaya hindi na siya nag-imbita sa halip pamilya …
Read More »