Wednesday , December 11 2024

Lubluban sa kampanya asahan

Bato BalaniSADYANG papalapit nang papalapit ang “campaign period” mga ‘igan! Kung kaya’t asahan na natin, sa susunod na buwan ang lubluban “time” ng mga kandidatong tatakbo sa 2016 elections.

Ganito na ba talaga karumi ang politika sa bansa? Sino ba ang dumudumi nito? Ano ba ang dapat asahan ng taumbayan sa tuwing sasapit ang totoong “campaign period?”

Sa buwan ng Pebrero mga ‘igan, ay siguradong magsisimula na ang madugo, mainit at matinding siraan o babuyan ng mga magkakalabang kandidato. Nandiyan ang iba’t ibang anyo ng pangangampanya, tulad ng iba’t ibang “black propaganda,” na kung minsan ay talaga namang nakasusuka, na halos masira na ang buong pagkatao ng isang politiko! At hindi lang ‘yan nagtatapos o matatapos ang mga pambababoy na ‘yan! Kung minsan idinadamay pa ang buong pamilya sa katarantaduhang ginagawa, mailublob lang sa putikan ang kalaban! Sus ginoo…

Hindi dapat pinalalagpas ang ganitong gawain, bagkus bigyan ng leksiyon ang mga taong sangkot sa mga asal-hayop na pamamaraan. Bakit hindi pagtuunan ng pansin ang kanilang plataporma o programa kung ano ang kapakinabangang mahihita ng taumbayan, kung sakaling sila ang napupusuang iupo sa pedestal?  Bakit hindi na lamang ipaliwanag kung paano pa nila mapapaunlad ang bansa, kasama ang mga pobre nating mga mamamayan?

Pero sa totoo lang mga ‘igan, ang pera ang isa sa pinakamatinding kalaban sa kampanya. Napapaikot ng pera ang lahat! Kung minsan, sa hirap ng panahon, kapit-sa-patalim ang mahihirap nating mga kababayan. Wala silang magawa kung hindi sumangayon sa kagustuhan ng politiko, mabiyayaan lamang sila ng salapi. ‘Ika nga… “Boto Mo, Bilhin Ko.” Hindi mo masisisi ang mahihirap nating mamamayan sa pagkakataong ito mga ‘igan.

Sa Lungsod ng Maynila, talamak umano ang ganitong pamamaraan. Hindi ko nilalahat, ngunit ayon sa aking “Pipit,” mukhang ganito umano ang labanan sa nasabing Lungsod sa darating na eleksiyon. Nakalulungkot, ngunit, ganyan talaga sa politika, na dapat nating baguhin. Pero, paano? Mahirap ito sa mga taong naghihikahos. Hindi na abot ng kanilang isipan, kung ano ang kahihinatnan ng kanilang pansariling desisyon. Wala nang halaga ang sariling prinsipyo, dahil nabili na ng salapi. Sadyang mali, pero pilit na isinusubo sa hirap ng panahon.

Ito marahil ang unang bigyang pansin ng matatalinong politiko, ang paraan kung paano sila makatutulong upang maiahon sa kahirapan ang maliliit nating mga mamamayan! Upang muling mabuo ang kanilang sarili at buong pagkatao, na minsang binili o’ binayaran ng mga mapeperang–politiko. Matalino na ngayon ang tao, partikular ang mga Manilenyo, na ayon sa aking “Pipit,” hindi na sila muling magpapaloko sa mga politikong sinungaling at mapagpanggap, mga politikong mayayaman na walang konsiyensiyang binibili ang prinsipyo ng naghihirap nating mga mamamayan, na sa katapusan ay parang bula ang mga pangakong ipinangako sa taumbayan at higit sa lahat, mga politikong mapagsamantala sa kahinaan ng mga pobreng Manilenyo!

Muli, sa mga maglalaban-labang politiko, maging magandang ehemplo/modelo sana kayo sa magandang pamamaraang inyong gagamitin sa pangangampanya! Iwasan ang babuyan, siraan at higit sa lahat…ang bayaran!

Sa matatalinong mamamayan, nasa inyong mga kamay ang muling pag-angat ng bawat isa sa kahirapan…Manindigan at konting-tiis kung kinakailangan, sapagkat ang totoong boto ninyo, na isinisigaw ng puso at isipan ninyo, ang makapagpapalaya sa ibenenta ninyong karapatan na makaboto noon nang tama.

Ang Lingkod-bayan na Inyong  Maaasahan ang dapat na mailuklok sa darating na eleksiyon!

Good Luck to all!  

About Johnny Balani

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *